Chapter 3

120 8 0
                                        

Katkat's POV

"Uy Jann! Akala ko ba pupuntahan natin yung manager ni Fidd? Malalate na kaya tayo! "

Kasalukuyan kaming nakapark ngayon sa gilid ng kalsada. Katabi nito ang isang mala horror movie na kagubatan. Tinitignan ko si Jann na tila malalim ata ang iniisip. Ano bang balak ng bi-polar na 'to? Excited pa naman ako sa interview kay Mysterious celebrity.

Tumingin tingin muna si Jann bago lumingon sa akin.

"Katherine, wala ka bang napapansin?" tanong niya sa akin na mukhang seryosong seryoso.

Anong ibig niyang sabihin? Napapansin? Kayo ba, may napansin kayo kay Jann bukod sa isa siyang gwapo, mabait, matalino, mabango, masipag, at iba pa? Oha, variety ang Jann natin. All in one ang kuya mo kaya dito na kayo sa Jann variety atbp!

"Kat! Nakikinig ka ba?" tinignan ako ni Jann ng masama. Humarap siya sa akin na bigla kong ikinatakot.

Ngayon ko lang nakita si Jann na ganito. Masyado siyang seryoso. Hindi niya bagay. Ang panget. Mas maganda yung ngiti niya na kita dimples.

"Ha? Eh teka nga muna. Bakit ba kasi tayo tumigil sa gitna ng kung saang highway? Eh asan na ba kasi tayo? Diba may-"

"Tumigil sa gilid ng kung saang highway, hindi gitna."

"OKAY FINE. Let me rephrase it then. Bakit ba tayo tumigil sa GILID ng kung saang highway? Alam mo yung time is gold?" Susko po, hindi nanaman ata naka-inom ng gamot si Jann. Inatake nanaman ng ka aningan niya =.=

Kalahating oras na kaming tambay dito sa totoo lang. Sabi ko pa naman kay Kimber sabay kaming kakain ng lunch. May bago kasing bukas na ihawan sa tapat ng inuupahan namin. Mukhang masarap yung mga benta nila +_+

Tapos libre pa ni Kimkim. Tss, sayang. Malapit ng mag-twelve.

"Wala ka ba talagang napapansin?" Tanong nanaman ng seryosong Jann.

"Gusto mo talaga malaman kung ano yung napapansin ko?"

"Itatanong ko ba kung ayaw ko?"

Ay taray. Meron ka ba? =____="

"Osige, makinig ka mabuti sa sasabihin ko."

Ehem.

"Napansin ko na bigla nalang tayo huminto sa gilid ng kung saan man. Akala ko tinatawag ka lang ng kalikasan kaya tayo tumigil kaso kanina pa kita tinitignan. Eh, parang hindi mo naman sinasagot yung tawag. Okay ka lang ba?"

"Do you trust me?"

"H-ha?" Do I trust him? What a question, ofcourse I do! Eh teka, 'bat niya ba tinatanong?

H-hoy otor! Wag ka ngang clichè! Don't tell me may hidden desire sa akin si Jann kaya dinala niya ako dito...tapos....tapos....

Huwag naman po ~T_T~

"Jann. U-usapang matino. Hindi ka naman rapist diba?"

Tumingin lang saakin si Jann. Tingin....tingin...tingin....

At ayun, biglang yumuko.

~silence~

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

Wheeew. Hindi tumatawa ng ganyan ang rapist. Thank you otor.

"Hahahahaha, grabe ka. San mo naman napulot yan?"

"My brain, obviously."

"Haha. Teka. Kakalma muna 'ko." tumikhim muna siya bago nagsalita.

Si first or si second?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon