PAK!!
"Aray koo" Isang hampas ng lukot na dyaryo ang gumising sa once in a lifetime na tulog ko.
"Paano kita pagkakatiwalaan na i-handle ang pag i-interview sa isang prominenteng actor ng bansa kung sa opisina pa lang, ganyan ka na kumilos?! Sagutin mo nga ako Katerina?" sigaw ng isang maladragon na babae sa harap ko.
"Ms. Torres naman. Ilang araw na 'kong walang tulog dahil sa kakautos sa akin ni Tonya. Wala bang break? -.-"
Strike 1.
"ANONG BREAK?!! Baka gusto mong magbreak ng tuluyan ang career mo dito? Yun ba ang gusto mong break?"
"Joke lang naman miss. Sorry na. Kalma lang po. Napaghahalataan na malapit na kayong magmenopause.“
Strike 2.
“Paki-ulit nga, Ms. Mio.” Nagngingitngit na sinabi nito.
“A-ah, siyempre mas halata yung hirap buhay ng isang feature writer na may part time job bilang isang maid ng editor-in-chief. Pero po kasi writer ho ang inapplyan ko, hindi utusan.” Pagmamakaawa ‘ko sa nagliliyab na dragonesa.
“Ah ganon." Sandali siyang huminto at ngumiti sa akin ng nakakaloko. "Simple lang naman yan Ms. Mio. Kukunin mo lahat ng gamit mo sa desk, aalis ka sa kwartong ito at hindi na magpapakita muli sa harap ko..”
“Ah, eh Ms—“
“O kung hindi, magsusulat ka ng 1000 word essay kung bakit bawal matulog sa oras ng trabaho. Alin dun ang pipiliin mo, Ms. Mio?”
“Ayan na nga po, magsusulat na Ms. Torres.”
Sinamaan niya 'ko ng tingin bago siya naglakad palayo. Haharap na ‘ko sa computer ko nang tinawag niya 'ko ulit.
“Alam mo Katerina, kung gustong mong sumikat bilang isang journalist then you have to start small. Ang ibig kong sabihin, wala kang ibang choice kung hindi sundin ang mas nakakataas sayo. Ganyan ang buhay, parang food chain. Ikaw ang daga, at siya ang ahas.” Sabay tapik sa balikat ko. “Better luck next time.”
At yan ang dahilan kung bakit ako nagtyatyaga sa magazine na ito nang halos dalawang taon. Minsan nga nagtataka ako kung paano ko nakakayanan ang bruhang boss ko. Kung tutuusin maganda naman ang credentials ko. Ay ewan -.-
FLASHBACK...
Isang araw, pagkatapos kaming iwan ni tatay, nagising akong mag-isa sa bahay. Nadatnan ko na lang sa lamesa ang papel na halatang nagmamadaling pinilas sa notebook. Nakasulat doon ang pinakanakakalokang paalam ng nanay ko.
Dear Katkat,
Anak, aalis muna si mommy para maghanap ng matinong trabaho. Alam mo namang mahal kita diba? Eto na bago kong number ha: +639123456789. Wag ka ng magtanong kung saan basta babalik ako. Promise! Honest to. This is for your bright future. Atsaka, para matuto ka na kung paano maging isang independent na babae like me. Alam ko na kaya mo yan anak. Graduate ka na. Maghanap ka nalang ng trabaho mo para may panggastos ka. Kung wala kang pera, may 1000 akong nakita sa wallet ng tatay mo. Take it or leave it. For the mean time, may niluto akong limang kilong adobo diyan. Onti onti lang para may kakainin ka habang wala ka pang pera. Ingat ka. I love you!
XOXO, MOMMY
P.S Hindi ako naglayas dahil iniwan tayo ng tatay mo. Maniwala ka. Hindi talaga.
P.S.S Pahiram ako ng pera sa ATM mo ha? Bayaran ko nalang ulet.
P.S.S.S Kung ako sayo anak, maghanap ka na ng trabaho at malilipatan. Dalawang buwan na 'kong hindi nagbabayad ng renta, tubig at kuryente eh.
P.S.S.S.S Please understand your momma, okay? I love you! ♥
Nakanganga akong nakatingin sa sulat ng nanay ko. Pumunta ako sa ref. at nakita dun ang limang tupperware ng adobo. Sinara ko iyon at nagbuntong hininga habang paakyat sa taas. Nadatnan ko doon ang binagyong kwarto ni nanay.
Sudden realization...
Ang isang fresh graduate, maghahanap ng trabaho sa magulong lansangan ng maynila na wala man lang pera, malapit nang palayasin sa bahay at merong limang kilong adobo na halos maging sinigang sa dami ng toyo.
Pwedeng pa-ampon?
END OF FLASHBACK...
Kimber's point of view
Mag-iisang buwan na nang naki hati ako sa dorm ni bestie. Mag-iisang buwan na rin simula nung iniwan siya ng nanay niya. Nabasa niyo yung brief history niya? Ano reaction niyo? Alam niyo ba halos isumpa niya lahat ng mga nakikita niyang mag-asawa dahil dun. Medyo oa. Feeling ko nga kung wala ang mabait at sobrang concerned niya na bestfriend, magpapakasuicidal ang lola niyo. Haruu, ang sakit naman kasi sa bangs ng pamilya niya. Ang sarap ihagis sa Jupiter. Ay, joke baka nga nasa outerspace na sila sa tagal nang hindi pagbalik ni Tita o.o
Ako nga pala si Kimber. Oo, Kimber talaga. Walang -ly. Sabi ni mama sa sobrang haba raw ng pangalan nila ni papa, tinamad na raw yung nag-aayos ng birth certificate sa NSO. Paano ba naman kase, nagpower trip ata si lola nung pinangalanan niya si mama ng Anastacia Juanita Belinda Aquinas Corazon. Oha? Mala-Doctor Jose Rizal lang kaya for short, Ana Corazon nalang o^.^o
Besties na kami ni Katkat simula highschool. Mantra namin lagi ang "walang iwanan". Kaso...nung nag college na kami, nag journalism siya at ako?
Artistic yata ako.
Nag fine arts ako at isa na 'kong ganap ng editor/layout designer sa TAE a.k.a. The Alternative Entertainment. Natawa ka ba? Okay lang, hanggang ngayon inside joke pa rin namin yan ni bestie. Hahahaha XDD
Diyan din siya nagsimula bilang writer kaso puro side articles lang ang assignments niya. Lahat kasi ng magagandang article kinukuha ng panget na Ed.chief nila. Si Tonya Marionette. Bully yang babaeng yan. Half French daw siya kaya lagi niyang pinagmamalaki ang albino skin niya. Yung eyes daw niya color blue pag na arawan tapos natural blonde daw siya. Secret lang natin 'to ha? Pero feeling ko kinulayan lang niya yun. Half french lang naman siya eh, di naman full. Tsk tsk. Minsan nga tinutukan ko ng flashlight yung mata niya para malaman ko kung blue..
Anportchuneytley, isang gulat na black eyeballs ang nakatingin sa'kin XD
Wag niyo ng tanungin kung ano ginawa niya sa akin pagkatapos niyan. Past is past =o=
Moving on, MAS MAGANDA PA RIN SI BESTIE. Isa siyang natural brunette with curly curly hair >w< Maputi nga si bestie pero hindi naman albino white. Actually, pwede nga siyang magmodel sa height niya at coca cola body. Kaso, tinurndown niya lahat ng offer kasi raw...
MASYADO SIYANG OVERQUALIFIED PARA MAGPACUTE sa camera.
At yan ang isa sa dahilan kung bakit idol ko yan 0o0v
Onga pala, alam niyo ba kahit ganyan ka weird si bestie, may crush yan, Hihi, oo. As in boy crush :"> Wag niyo ng tanunging kung sino ang sa akin kasi baka abutin tayo ng end of the world bago ko matapos yung listahan ng crush ko.
Ahem, going back to bestie's crush..
Siya si January Ambio. Jann for short. Tinanong ko nga siya kung may kapatid siya. Baka February naman ang pangalan ^w^
Feeling ko nga deep deep down in my fast beating heart, si Jann ang isa sa dahilan kung bakit ayaw lumayas ni bestie sa TAE. Naging close na rin kasi sila to the point na pagkakamalan mo na magjowa sila. Mabait kasi si Jann. Sweet, thoughtful at sobrang humorous. Sarap nga ipakain ng dalawa sa buwaya pag nagiging masyadong cheesy si Kuya Jann. Nakakainggit T.T
At dahil diyan, masasabi ko na lahat ng babae marunong lumandi..
kaso...
Hindi lahat marunong umamin.
Tadaaa >w<v
A/N: AYAN NA YUNG CHAPTER ONEEEE. Tapos na. Haha, okay. Mababaw si otor eh =)) Comment comment din kayo pag may time para masaya. Siyempre isama na diyan ang vote pag sinipag sipag :P
BINABASA MO ANG
Si first or si second?
RomanceTunghayan ang buhay ng isang babae na may simpleng pangarap sa buhay kaso, sa kasamaang palad, dumating ang dalawang taong pilit niyang pinapalayas/pinapapasok sa buhay niyang tahimik. Basahin upang malaman ang kwento ng babeng sobrang gulo ng buhay...