Chapter 4

115 3 2
                                    

*read A/N at the end*

Katkat's POV

"Tama na Kat. Hindi mo naman kasalanan."

Kasalukuyan akong nakadapa ngayon sa kama ni Kim. Hindi ko kayo kayang harapin ngayon kaya magkita nalang tayo sa susunod na chapter ng buhay ko...

"Hoy Katherine Mio! Wag ka ngang oa! Wala ka namang ginawang mali!"

Wala nga ba?

Pagbabalik-tanaw....

"S-Sorry po sir! Hindi ko po sinasadya!"

Nakatingin lang ako sa kanyang mukha na tila isang galit na estatwa. Tama nga ang sabi nila, gwapo talaga sa personal si Fidd. Yung buhok niya medyo mahaba na kaya natatakpan yung isang parte ng mata niya. Sakto lang ang pangangatawan niya at di hamak na mas matangkad siya sa akin (hanggang dibdib lang niya 'ko). Shit. Bad shot agad ako sa kanya.

"Get out of my way."

"Omygee. Fidd Ramones?! Can I take a selfie with you?" sabi ni bora girl

"I'm thirsty right now. Will you move, pretty?"  tanong ni Fidd sa tonong mabait pero halata mong sarcastic at, take note, may kasama pang KINDAT.

Nakita ko sa likuran niya si Jann na sumesenyas na umalis na 'ko sa kinatatayuan ko. Sinubukan kong umalis pero tila naka-mighty bond yung paa ko sa sahig. Hindi ko rin matanggal yung mga mata ko sa mata niya. Nakakatakot sa magandang paraan. Parang isang ipo-ipo na onti-onting hihigop sayo papunta sa kanya....

"I understand that you find me attractive but can you seriously move? Mahaba na rin kasi ang pila miss. Mamaya ka nalang tumitig 'pag wala na tayo sa dito. Okay?"

Katapusan ng pagbabalik tanaw...

"Kim.....ikaw na bahala sa libing ko ha?"

"HA?"

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at tumingin sa kanya ng malalim. "Dinuraan ko si Fidd."

"WHAT THE-"

"May kapareho kasi siya ng aura. Yung aura ng mga cliché na lalaking mahambog at mayaman sa mga libro. Plus, naaalala ko sa kanya si tatay kaya.....nainis ako sa kanya."

Ibinaon ko ulit ang sarili ko sa mga amoy downy at pink na mga

unan ni Kim. Hay...

"Kat, sa mundo natin, hindi mo dinuduraan ang mga taong kinaiinisan mo dahil kaugali lang ng tatay mo. Sana inignore mo nalang best 〒_〒 Atsaka, bakit mo naman kasi dinuraan? Pwede mo naman murahin, itulak, sipain o sampalin pero duraan? Naku namaan. Amazing ka talaga. Talo mo pa si spiderman!" tumawa siya nang parang isang bata. "Sige na, ako na bahala sa kape at candy mo."

"May I rest in peace." sabi ko sa kanya at pinipigilang wag tumawa sa sagot niyang "Amen."

Antoinette's POV

"What? But she's an amateur! How could you trust her with this big project?"

"I had no choice."

"Akala ko ba favorite mo ko? Akala ko ba you trust me? I thought may paniniwala ka for meee?"

"Oh shut-up Tonya. We all know I only accepted you here because of your father's money. Wala kang talent. WALA. And don't you dare use that tone with me. Boss mo pa rin ako. BOSS. Now, get-out!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si first or si second?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon