Back to normal, natapos ang debut ko ng sobrang saya.. Lahat ng mahalaga saken nanduduon papasok na ko.. Nandun si ethan at joseph tumabi ako kay joseph..
"Hi"
"Eloise sya ba sinasabi mo dati na --"
"Oo sya nga"
"Gwapo nya ah, pero mas gwapo pa din ako"
"Kapal mo"
"Girlfriend nya ba yung natalie?"
"Oo baket?"
"Ah kaya pala apaka sungit nung debut mo, sayang ang ganda pa naman nya"
"Hoy Joseph wag na wag kang gagawa ng kalokohan"
"Eloise hindi naman ako ganun kababaw at maninira ako ng relationship isa pa mukang my gusto sayo tong ethan, kanina pa tingin ng tingin dito eh" nagulat ako sa sinabi ni joseph at napatingin kay ethan, nakatingin din pala sya kaya mabilis akong umiwas "gusto mo pa din sya?" Napatingin naman ako kay joseph
"Hindi ah at hindi rin mangyayari yung magkakagusto sya saken"
"Talaga lang? My tanong ako sayo?"
"Ano? Ayusin mo lang"
"Oo ayos to, marami ba kayong memories ni ethan? I mean happy?" Napaisip ako, marami kaming dates lagi nga sya ang taya eh ayaw ako pagbayarin, mejo stiff nga lang sya nun pero ngumiti din, ones nagpunta kame ng game center lahat ng stuff toy nakukuha nya saken binigay, naghahabulan pa kame.. Pero ... "Hoy nag daday dreaming ka nanaman"
"Aysh marami kameng happy memories na hindi mo mahahalatang niloko nya ko"
"baka nga hindi kana niloko nun, baka nung unang hindi pa sya inlove sayo"
"Tama na nga joseph, ayoko ng alalahanin"
"Sige, sabagay nung mga panahong yun si andrew laging kausap mo pero madalas si andrew ang masayang kausap ka" hindi nalang ako nag salita.. Hinawakan ko yung necklace na binigay ni ethan, akala ko okay na ko.
(Ethan's POV)
Kanina pa nag kwekwentuhan si alex at Joseph hanggang sa makatapos kame sa klase dumeretso kame sa barkada house kasama na si joseph
"Oh baket nanjan yan" si natalie yan
"Ang highblood mo naman saken miss, dito na kasi ako nag aaral kaya nandito ako"
"Whatever"
"Don't mind her joseph mainet lang ulo nyan" si rc yan "ethan"
"Baket?"
"Ako na mag sasabi ate"
"Ano ba yun?"
"Mamaya na tayo mag usap"
"Ikaw bahala" napatingin ako kila alex.. Di maghiwalay ang dalawa tss
"Daryl nga pala, pinapapunta ka ni ate sa resort my sasabihin daw sya sayo"
"Talaga?"
"Oo, sumabay kana saken dun punta ko"
"Ako din, kakausapin ko mommy mo"
"Okay sige"
"Pumunta na kaya tayo lahat?" Suggests ni rc
"Kayo talaga oo na sige"
"Sorry pero hindi kame pede ni kyle" napatingin ako bigla kay natalie lahat kame
"Baket my date ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Commoner To Richest (CTR)
Teen Fictioneto ang storya ng isang babae na hindi alam kung anu ng tunay nyang pagkatao. mabait, sobrang masunurin, matalino, matangkad,maganda naman pero chubby nga lang sya pero simula nung nakilala nya ang tunay nyang pagkatao nagbago lahat. DREAM COME TRUE...