Nasa barkada house kami at yung atmosphere kakaiba, ang tahimik ni rc parang iwas naman si nathan
"Okay, this is enough, really? what happened?" si daryl yan mukang napansin din nya ang katahimikan
"Oo nga ang weird kapag tahimik to" turo ni jo kay rc
"Wala kang paki" nagulat kami sa sagot ni rc kaya napatingin sa kanya lahat "Ah, sorry my problema lang kasi"
BLAGG!!
biglang my kumalabog, si nathan yun sabay tayo at alis nya
"Nathan saan ka pupunta?---ano ba talagang nangyayari?" takang taka si daryl pati kami hindi namin alam baket ganun si nathan at rc, napatingin ako kay rc na my tanong anong nangyari kay ethan pero nagkibit balikat lang sya at umiwas.. nagtaka naman ako sa kinilos ni rc
"Guys ano ba nangyayari sa kanila?" tumayo si rc at umalis pati si ethan, kasabay si jo hanggang sa kami nalang ni andrew ang naiwan
"So umamin na si nathan kay rc?" napatingin ako sa sinabi ni andrew
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo ba alam? matagal ng my gusto si nathan kay rc, pero sa tingin ni nathan ang gusto ni rc ay si jer"
"Sigurado ka?" tumango tango si andrew
"Tara na nga lang" hinila nya palabas ng campus at kakaen daw kami
"Teka kakausapin ko muna si rc ah, feeling ko kasi my problema talaga sya" kiniss ko sya sa cheeks sabay alis ko
(Rc's POV)
hinahanap ko si nathan, lintik pati ako nadamay sa kanya sighed
"Nathan!' tawag ko sa kanya ng agad ko syang nakita, pero hindi pa rin sya huminto kaya tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan ko wrist nya para pigilan sya "Nathan" huminto sya tumingin sakin kaya binitawan ko na din sya
"Ano?" galit na tanong ni nya
"Alam mong nag tataka na sila sa kinikilos mo"
"Rc sa tagal nanaten mag babarkada pero my hindi pa rin tayo alam"
"Malay mo my rason sila, hindi pede na kailangan sabihin nila saten lahat"
"Oo rc, pero sa tingin mo tama ba yung nakita naten? hindi bat alam naten si andrew at alex pero makikita naten yun?" napayuko ako sa sinabi nya "Naiinis lang ako kasi wala akong alam sa nangyayari sa barkada"
"Nathan, hindi kasi ako yung dapat mag sabi eh, sila dapat ano man yun hintayin nalang naten, kesa naman lahat ng barkada nag tataka sa kinikilos naten"
"Kelan pa? paglalong magulo na ang lahat?" pagkasabi nya yan tumalikod sya at umalis sighed baket ba nangyayari to? hindi ko na alam gagawin ko
"Rc" napatingin ako sa tumawag si alex
"Baket alex?"
"Okay ka lang ba?" napatingin ako sa kanya mismo
"We need to talk" nagulat sya ng sabihin ko
"Huh?-- o..okay" pumunta kame sa isang cafe, pereho kameng tahimik walang nag sasalita, ang awkward!!
"Alex"
"Hmm?" nagulat sya ng tawagin ko sya
"Nakita namin kayo ni nathan, na magkayakap ni ethan" nanlaki mata nya pagkasabi ko nyan at hindi alam ang sasabihin
"R..rc.."
"Okay lang kung hindi mo kayang sabihin" ngiti ko sa kanyang sabi pero.. nagbutong hininga lang sya at tumingin sakin ng tuwid
"Sorry for not telling the truth nuon, sa totoo lang nakaroon kame ng relasyon ni ethan pero sekreto lang yun, at nung aalis ako nalaman ko na kaya nya lang ako nilapitan nuon dahil sa isang sasakyan then.." huminto sya ng pagsasalita
"Nainlove sya sayo pero nakaalis kana ng bansa, si andrew ang lagi mung kausap nung nasa ibang bansa ka, nung pagbalik mo dapat sasagutin mo sya pero nangyari ang aksidente nagkita kayo ni ethan, napagtanto mo na mahal mo pa din sya" pagtingin ko kay alex gulat na gulat sya
"pa..pano mo nalaman?" ngumiti ako
"Alam mo bang kilala ko si ethan pag nagmahal? nahalata ko na nun na my relasyon kayo, kayo lang ang inihintay kung magsabi pero nangyari na umalis kang walang paalam, tapos pagbalik mo nakita ko expression mo ng makita mo si ethan at natalie na magkasama at sabay pumunta sa hospital nun"
"Alam mo na pala, yung nakita nyo nun ni nathan i can't help myself, lalo na nung nalaman ko na papakasal sa iba si ethan"
"ANO!?" nagulat ako sa sinabi nya "Papakasal sa iba si ethan?" tumango tango sya "Nakusap muna si andrew?" umiling sya
"Sa totoo lang, naguguluhan na ko hindi ko na talaga alam gagawin ko, lalo na sa nararamdaman ko"
"Hays, sa totoo lang hindi ko na alam sasabihin ko, yung nabuong friendship saten ang hirap"
"Oo nga eh, pero pedeng ikaw nalang magpaliwag muna kay nathan sa nangnayayari?"
"Sigurado ka?" tumango sya
"Sorry talaga rc"
"Ano kaba okay lang yun, naiintindihan ko naman"
"Salamat ah, buti nalang nasabi ko na saiyo nararamdaman ko"
"Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap" ngumiti kame sa isa't isa, sighed para kung natanggalan ng tinik sa dibdib "Buti nalang talaga nagusap na tayo, pero sana maayos na barkada naten"
"Hmm, rc" nagtaka ako sa muka ni alex pano parang my gusto sya itanong
"Anong muka yan? sabihin muna gusto mo sabihin" pagbibiro ko sa kanya
"Ahm, kung my dalawang nagmamahal sayo pano gagawin mo?" nagulat ako sa tanong nya at tumawa ng malakas
"A..ano kaba malabo naman sinasabi mo, ngayon nga wala pa ding magkamali sakin eh" sabi ko habang tumatawa pa din pero tinitigin lang ako ni alex ng seryoso kaya umayos ako "Ah.. hindi ko alam alex kasi hindi ko pa naman nararanasan"
"What if lang? kung meron? at pareho pang mahalaga sayo?" napaisip tuloy ako sa sinabi ni alex
"Hmmm..siguro, yung taong pinaka mahalaga sakin yung tipong ayokong mawala sa tabi ko yung kung sino talaga ang mimanahal ko yun ang pipiliin ko, duon naman sa isa na mahalaga din sakin pero alam kung hanggang kaibigan lang kame syempre kailangan akong humingi ng sorry at ipaliwanag kung baket hindi pede maging kame kahe mahalaga sya saken, yun" napatingin ako kay alex ang lalim ng iniisipi nya ngayon, sabagay yung sitwasyon na yun sitwasyon nya
"Tama ka rc"pagkasabi nya nyan ngumiti sya saken "Salamat rc ah, you always there for me, sana kung sino man mapili mo maging masaya ka" sabay nakakaloko nyang ngiti ako naman ang nagtaka "Tara na" sabay tayo nya, teka ano ba sinasabi ni alex? aysh napakamut nalang ako ng ulo, ts..
BINABASA MO ANG
Commoner To Richest (CTR)
Teen Fictioneto ang storya ng isang babae na hindi alam kung anu ng tunay nyang pagkatao. mabait, sobrang masunurin, matalino, matangkad,maganda naman pero chubby nga lang sya pero simula nung nakilala nya ang tunay nyang pagkatao nagbago lahat. DREAM COME TRUE...