Part: 3 Joelina Torres
Third Person's POV:
Isang malakas na pagsabog ang naganap sa labas ng building ng hospital.
Dinumog ng mga tao sa labas ng hospital ang isang jeep na sumabog.
Nagkalat sa paligid ang mga sira-sirang parte ng sasakyan.
Hindi narin makikilala ang mga mukha ng mga nakasakay doon dahil sa malakas na pagsabog.
Agad lumabas ng hospital sina Daiza at Elmer upang tignan kung ano ang pagsabog na iyon.
Bago tuluyang nakalabas ang dalawa. Nakatanggap ng mensahe si Daiza galing kay Emmarie.
by: Emmarie
Daiz' papunta na sina Lovejoy at Ruessa diyan sa hospital.
---
"Kuya..." nakakagat labing saad ng dalaga kay Elmer.
"Oh. Bakit? May problema ba?" sagot ni Elmer habang naglalakad.
"W-wala. kuya." pagsisinungaling ni Daiza. Hindi niya alam kung tama ba ang nasa isip niya na baka may nangyaring masama sa dalawa nilang kaklase.
Nang makarating na sila sa labas. Agad tumambad sa kanila ang mga bangkay ng mga pasahero ng jeep.
Maya-maya pa'y nagsidatingan na ang mga pulis at reporters.
"Labing-isang pasahero ng jeep patay dahil sa pagsabog kani-kanina lang dito mismo sa tapat ng South General Hospital. Base sa pag-iimbistiga. Bomba umano ang sanhi ng pagsabog." salaysay ng isang babaeng reporter na si Ms. Ariane Bacoz.
Elmer's POV:
Inisa-isa kong tinignan ang mga kawawang bangkay. Isang buntis ang aking nakita na mayroong maraming sugat sa iba't-ibang parte ng katawan. apos isang batang lalaki na nakasubsob sa isang bakal.
"Kuya! Halika rito!" biglang tawag sa akin ni Daiza.
"Bakit Daiz'?" tanong ko sa kaniya.
May tinuturo siyang bangkay ng dalawang babae na magkahawak-kamay. Sinuri ko ng maiigi ang mga ito."Hindi! Hindi maaari 'to! Hindi pweding pati sila'y iiwan narin ako!"
"Kuya. Buhay pa sila diba? Hindi po tayo iiwan nina Ruessa at Lovejoy. Diba kuya?" nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. Pati ako'y napahagolgol narin dahil sa subrang sakit.
Wala na akong magawa kundi ang yakapin nalang siya't patahanin.
"Daiza. Tama na. Magbabayad ang kung sino man ang may gawa ng lahat ng ito." magkahalong galit at sakit ng loob ang aking nararamdaman ngayon.
Ilang buhay paba ang kailangan niya para tumigil na siya? Plano niya ba talagang ubusin kaming lahat? Ano bang kasalanan namin sa kaniya at pinapahirapan niya kami ng ganito?
Bwesit na buhay 'to! Bwesit!
Emmarie's POV:
Natatakot na ako. Iniisa-isa na niya kami. Ewan ko pero parang tama talaga yung hinala ko. Na baka isa lang sa'min ang gumagawa nito.
"Anak. Matulog kana. Gabi na." biglang sabi ni mama sa aking likuran. Nakaupo lang ako sa sofa dito sa sala. Nagrereview.
"Magpahinga kana, anak."
"Yes, mama.''
"Anak. Kalat na kalat na ang balita tungkol sa school niyo. Nag aalala na kami ng papa mo sa kaligtasan mo." umupo siya sa tabi ko at hinimas-himas niya ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
SIGAW: A Horror Movie Remake (Revised)
Mystery / ThrillerPapano kung ang masasayang araw ninyong magkaklase ay magwawakas sa isang madugong pangyayari? Isang pangyayaring di mo inaasahan. Mga pangyayaring kakila-kilabot. Hanggang saan ang kaya mong gawin para mailigtas lang ang iyong sarili? Hindi mo siya...