Third Person's POV:
Alas syete palang ng umaga. Nagpunta na sina Elmer, Daiza, Emmarie, Adrian sa Beach
Palm Beach, ito ay isa sa mga beach na dinadayo ng mga tao tuwing sabado at linggo na matatagpuan sa probinsiya ng Cebu.
Napakalakas ng alon. Malamig din ang simoy ng hangin. Medyo makulimlim ang himpapawid.Naglalakad ang magkakaibigan sa baybaying dagat,pakanluran.
"Nagtext o tumawag naba si Ghostface, kuya?" biglang sabi ni Emmarie habang naglalakad na nakapaa. Bitbit niya ang kaniyang pares ny tsenilas."Hindi pa nga eh." sagot ng binata.
"Alam na kaya niya na nandito na tayo?" ani Daiza. Hinarap siya ni Elmer at sinabing 'ewan'.Samantalang si Emmarie ay hindi inialis ang tingin sa bawat galaw ni Elmer. Gusto niyang basahin kung ano ang iniisip nito,ngunit hindi niya mabasa.Napansin ni Adrian si Emmarie kaya tinapik niya ito sa balikat.
"Ano?" mahinang tanong ni Emmarie kay Adrian.
"Kanina pa kita napapansing nakatingin ka lage kay Elmer.'' naka-smirk niyang sabi sa dalaga. Napakamot-ulo nalang ang dalaga.
"B-bakit? Masama ba?" kunot noong tanong ni Emmarie. Nginitian lang siya nito at umiling.Nauuna si Elmer,kasunod niya si Daiza at nasa likuran naman ng dalaga sina Adrian at Emmarie. Lakad lang sila ng lakad.
Maya-maya'y napahinto si Elmer sa kaniyang paglalakad nang tumunog ang kaniyang cellphone. "Si Ghostface!"
"H-hello Ghostface." kinakabahang sabi ng binata. Samantalang sina Adrian nama'y tahimik na nakikinig lamang.
"Oh! Hallo Elmer! Akala ko hindi talaga kayo pupunta." sabi ng salarin.
"Nasa'n na si Kc?"
"Uhmn,well... Bago ko pa sasabihin sa inyo kung nasaan siya." pasiuna nito.
"Lumakad kayo pasilangan at huminto kayo sa isang luma't puting bahay. Pumasok kayo at nasaloob si Kc. " wika ng salarin. Magsasalita pa sana si Elmer ngunit ibinaba na ng salarin ang tawag.Nilapitan ni Emmarie si Elmer at tinanong,
"Ano po sabi?"
"Bumalik tayo doon.'' sabi ni Elmer sabay turo sa silangan. ''Kailangan nating puntahan ang isang lumang puting bahay. Nandon si Kc." sagot ng binata.
Wala na silang sinayang na oras pa. Agad na silang naglakad pabalik upang hanapin ang sinasabing bahay. Mha ilang minuto pa ang nakalipas. Natagpuan na rin nila ang lumang bahay na sinasabi ng salarin.Gaya ng sinabe ng salarin,may kalumaan na nga ang bahay na iyon. May gate ito na gawa sa kawayan na pininturahan ng kulay puti.
Pagpasok nila sa gate, may mga punong-kahoy sa magkabilang side ng bahay. May mga klase-klasing bulaklak ding makikita doon. Hindi mo talaga maaalintana ang panganib na nag-aabang sa loob ng bahay.Dahan-dahang pinihit ni Elmer ang pintuan. Nang tuluyan na itong mabuksan,isa-isa silang pumasok sa loob.
"K-kuya... Ang dilim naman dito." reklamo ni Daiza.
"Hindi ba uso ang ilaw sa lugar na'to?" komento naman ni Adrian.Maya-maya, isang nakakaalinasok na usok ang kanilang naamoy. Nang malanghap nila ito'y unti-unting nawalan ang mga ito ng malay.
Killer's POV:
Tagumpay! Napahalakhak nalang ako nang tuluyan na silang mawalan ng malay. Isa-isa ko silang kinaladkad papunta sa isang kwarto. Kwarto kung saan ko gagawin ang finale ng ginagawa kong film.Yes. Gumagawa ako ng film na hindi nila napapansin. Lahat ng galaw nila'y nakarecord sa aking mga camcorder.
Nasa kwarto na silang apat. Isa-isa ko silang pinaupo sa mga silya at tinali ang mga paa't kamay. Inihanda ko narin ang camcorder."Uhmn..." ungol ni Emmarie at unti-unti nang nagmulat ng mga mata. Pati ang iba ay nagkamalay narin.
"Welcome home,friends?!" bati ko sa kanila. Biglang nag-iba ang mga awra nila,parang nakakita ng anghel? Ay este,demonyo pala.
"Anong na naman ang gagawin mo sa'min?" biglang tanong ni letsing Elmer.
"Oo nga! Si Kc? Nasan siya?!" ayy,matapang na pala 'tong si Emmarie?
"Uhmn... Secret!" sabi ko. Isa-isa ko silang tinignan sa mukha. Haha,nakakatawa talaga mga itsura nila. Bakas ang subrang takot.
"Demonyo ka! Nasan na si Kc?! Ilabas mo siya!" galit na sigaw ni Elmer. Huh, bahala kayo sa mga buhay niyo.
"Ano ba talaga problema mo ah? Ano ba kasalanan namin sa'yo at ginaganito mo kami?" mangiyak-ngiyak na sambit naman ni Daiza.
"Can you please, shut up your fucking mouth bitch?!'' sigaw ko sa kanila. Eh,nakaka-bwesit kase ang mga pagmumukha nila eh. "Andami niyong mga tanong...Iisa lang naman ang sagot!''
"Well,hindi pa naman ito ang tamang panahon para sabihin ko sa inyo ang dahilan.'' lakad dito,lakad doon habang tinitignan ko sila isa-isa. Naiinis talaga ako sa mga pagmumukha nila.Dapat nga sa kanila'y patayin na.Pero hindi,hindi pa pwede. Dahil may mga kinakailangan pa akong tapusin bago ko pa sila tuluyan lagutan ng hininga.
"Teka lang ah...Ano ba'ng gagawin mo sa amin dito? Ah?'' lakas loob na tanong ni Adrian.Wow...Nagsalita yung matapang,
BINABASA MO ANG
SIGAW: A Horror Movie Remake (Revised)
Mystery / ThrillerPapano kung ang masasayang araw ninyong magkaklase ay magwawakas sa isang madugong pangyayari? Isang pangyayaring di mo inaasahan. Mga pangyayaring kakila-kilabot. Hanggang saan ang kaya mong gawin para mailigtas lang ang iyong sarili? Hindi mo siya...