Part: 2 - What's Your Favorite Scary Movie?
Elmer's POV:
"Sir ready na po yung pagkain niyo sa baba!" rinig kong sigaw ni Ate Nany mula sa labas ng aking kwarto. "Labas na po kayo sir at baka mahuli pa kayo sa klase."
"Sigey ate Nany. Susunod nalang po ako."
Nagmamadali akong magsuot ng school uniform ko dahil panigurado mali-late na naman ako nito. Six fifteen na kasi nang magising ako. Bahala na magmomotor nalang ako.
Nang makababa na ako sa sala'y agad kong tinawag si ate Nany.
"Ate Nany. Pumasok na po ba sa school si Jay Ann?"
"Yes, sir. Kanina pa."
"Ahh. Ate Nany pakilagay nalang po sa food container yung pagkain ko. Sa school nalang po ako kakain. Mali-late na po kasi ako."
"Ay ganun po ba sir?"
"Ate Nany mamaya pala baka gabihin na'ku ng uwi."
"Ay saan po ba ang lakad niyo mamaya sir?"
"May dadaanan lang ako Ate Nany. Kaklase ko."
Kinuha ko na yung baon ko tas nilagay sa loob ng bag.
"Alis na ako, Ate Nany." nakangiti kong saad sabay kaway sakanya, "Kayo na po bahala rito."
"Yes po, sir. Ingat po kayo." pagkasabe niya nun hinintay niya muna akong makaalis, "Magmo-motor lang po kayo sir?"
"Opo. 'Pag kotse kasi gagamitin ko baka mas lalo lang akong ma-late." kako.
Pinaandar ko na yung motor. Nginitian ko si Ate Nany sabay wave sakanya.
"Take care, sir!"
Love Joy's POV:
Alam niyo kung papipiliin niyo 'ko kung saan ko mas gustong magstay. Mas gugustuhin ko pang manatili rito sa school kesa sa'min. Kasi pag dito sa school, hindi ko naiisip ang mga problema ko.
Magaan sa pakiramdam na malaya ako mula sa mga magulang ko na subrang higpit. Sa lahat nalang ng bagay. Wala silang pakilaam sa nararamdaman ko.
Puro negosyo lang ang inaatupag nila ni dad. Ni minsan nga di nila natanong kung ano ang gusto ko, kung masaya ba ako, at kung may problema ba ako.
Matagal na akong nagtatampo sa kanilang dalawa. Diko lang sinasabi sa kanila.
Dinidibdib ko nalang kasi ayaw ko ng gulo. Ayaw kong mag-away na naman kami nina mama't papa.Gayun paman. Kahit ganun ang sitwasyon ko sa loob ng aming tahanan. Nagpapasalamat parin naman ako sa Diyos.
Binigyan niya ako ng mga kaibigan kagaya nina kuya Elmer, Wilmar at Kc.Sila yung tipo ng kaibigan na hindi ka pababayaan. Nagdadamayan sa kahit na anong problemang dumating.
Masaya't kuntinto na ako pag nandito ako sa school kasama sila.
Si kuya Elmer. Hindi lang bilang kaibigan tingin ko roon. Kundi isang nakatatandang kapatid. Iba siya sa lahat ng mga lalaking naging kaibigan ko dati.
Si Kc naman. Nakilala ko lang siya nung ipinakilala siya sa akin ni Kuya Elmer noong first day of class. Mabait din siya. Isa siya sa mga sikat na estudyante rito sa school namin dahil narin sa pagiging sporty niya. Marami siyang mga manliligaw dahil narin sa kaniyang angking kagandahan.
Pero isa lang talaga ang nagwagi sa kaniyang puso. Siya ay walang iba kundi si Wilmar. Matagal narin sila. Sa pagkakaalam ko magto-two years na ata sila.
Sana all.
BINABASA MO ANG
SIGAW: A Horror Movie Remake (Revised)
Mystery / ThrillerPapano kung ang masasayang araw ninyong magkaklase ay magwawakas sa isang madugong pangyayari? Isang pangyayaring di mo inaasahan. Mga pangyayaring kakila-kilabot. Hanggang saan ang kaya mong gawin para mailigtas lang ang iyong sarili? Hindi mo siya...