Part: Four

441 8 1
                                    

Part: 4 Truth or Die

Elmer's POV:

Ang presko talaga ng hangin dito sa tuktok ng bundok na'to.

Tanaw na tanaw mo talaga ang buong syudad mula rito sa itaas.

Madalas dito kami tumatambay ni Michelle.
Bukod kasi sa mga magagandang tanawin. Wala rin kasing ibang pumupunta rito.

Kami lang ang nakakaalam sa lugar na ito. Little Baguio ang tawag namin dito dahil sa presko at malamig nitong temperatura.

Nakakatuwa lang kasi may maliit na kapilya rin dito.

"Mahal na mahal kita, Michelle. Mawala na ang lahat sa'kin huwag lang ikaw."

Pagkasabi ko no'y hinalikan ko siya sa kaniyang noo.

Nasa loob kami ng kapilya ngayon.

"Mahal na mahal din kita, Elmer. Sana hindi ka magbabago."

Nakahiga siya sa mga binti ko habang pinagmamasdan ako sa mukha. "Hindi ko rin kakayanin 'pag nawala ka."

"Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo, mahal ko." paninigurado ko.

Tumingin ako sa mga mata niya at hinawi ang iilang hibla ng kaniyang buhok na nasa kaniyang mukha at dahan dahang hinalikan siya sa labi.

Napapikit nalang ako. Ito yung pinakapaborito kong scenario sa lahat 'pag magkasama kami.

Napakahalaga ng babaeng ito sa buhay ko. Ewan ko nalang kaya kung kakayanin ko pag nawala siya sa akin.

"Tara! Punta tayo banda roon!" pag aaya pa niya.

Tinuturo niya 'yong duyan sa malaking punong-kahoy na nakatirik malapit sa may bangin. "Mas presko ang hangin doon."

"Mas presko nga ang hangin doon. Sigey. Tara!"

Agad na kaming tumayo at lumabas ng kapilya.

Paunahan kami papunta sa direksiyon na 'yon.

Ang saya-saya namin.
Wala ng mas sasaya pa kapag siya ang kasama ko.

"Habolin mo'ko. Elmer!"

Nauuna siya sa akin.

Nakikita kong malapit na siya sa may puno.

"Habolin mo'ko..."

Bakit ganun? Di ako makagalaw.
Ano'ng nangyayari sa'kin?

"Mahal. Tigil!" nakikita kong malapit na siya sa bangin, "Mahal hinto baka madulas ka!" Diyos ko baka mahulog siya!

"Huwag!"

## Nany's POV:

Buti nalang sabado ngayon. Kahit papaano'y mababawasan yung mga gawain ko.

"That I was born for you. And that you were born for me."

Nasa kusina ako ngayon. As usual, nagluluto ng agahan nina sir.

"Good morning." narinig ko si Jay Ann. Nilingon ko siya.

"Oh. Good morning, Ann. Gising kana pala." nakatayo siya sa may pintoan. Halatang kagigising lang.

"Uhmn...I can smell the spam, hotdog and longganisa." natawa nalang ako kasi nahulaan niya 'yong mga niluto kong pang break fast. Tuluyan na siyang pumasok sa kusina at kumuha ng isang hotdog, "The best ka talaga ate Nany magluto."

"Haha. Siyempre naman." pinatay ko na yung stove at nilagay sa lababo yung kawali, "Ann, puntahan mo nga sa kwarto 'yong kuya mo. The break fast is ready. Kamo."

SIGAW: A Horror Movie Remake (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon