Part 1 - The Haunting Hour
Third Person's POV:
"Jingle bell, jingle bell, jingle all the way..."
Pasko na naman. Marami na naman tayong makikitang mga parol na nakasabit sa mga bintana. Mga nag gagandahan at naglalakihang mga christmas tree.
Mga kumikislap-kislap at nagniningning na mga bombilya ng christmas lights at may mga batang nangangaroling narin.
"We wish you a merry Christmas... and a happy new year!"
Maging sa mga paaralan ay paskong-pasko narin ang dating dahil sa mga iba't ibang dekorasyong pampasko.Samantala, abala naman ang mga class officers ng section Maroon sa paghahanda para sa kanilang christmas party na gaganapin kinabukasan.
Six-thirty na ng gabi ngunit nasa kanilang silid parin ang mga estudyanting ito.
"Gutom na ako guys." reklamo ni Teddy sa gitna ng paghaharotan ng kanyang mga kaklase. "Gusto ko ng umuwi talaga para makapaghaponan na." dagdag pa niya.
"Hay naku Ted'! Lagi ka naman talagang gutom eh! Haha... " pang aasar pa ni Daiza.
"Haha.. Don't worry Ted' because tomorrow is your day!" natatawang sabi naman ni Hannah. Siya ang class president. "Panigurado lulubo ka bukas sa mga pagkain haha! Peace tayo bro. " dagdag pa niya kaya lalong natawa ang mga kaklase niya.
"Grabe naman kayo sa'kin guys." si Ted, "Oo, inaamin ko. 'Di baleng mataba ako at matakaw at least cute! And I'm proud of it!" taas noong tugon niya sa mga ito.
Cute naman talaga si Teddy. Dagdag pa sa kacutan niya ang maputi niyang balat at singkit na mga mata.
Matapos ang saglit na kulitan bumalik na sila sa kanilang mga kanya-kanyang trabaho.
Sina Daiza at Robelyn ang gumugupit ng mga crape paper samantalang sina Jesryl at Boyet naman ang siyang taga-sabit ng mga natatapos nina Daiza samantalang 'yong iba naman ay abala sa pag-aayos ng mga silya.
"Kuya Elmer!" biglang tawag ni Daiza sa binatang nakaupo sa pinakadulong upoan.
"Oh, bakit?"
"Tulungan mo naman po kami rito oh." ani Daiza sa maamong mukha. Halatang pagod at gutom na siya ng mga sandalin 'yon.
"Sige, pero wait lang... " sagot naman nito ng di lumilingon at nakapukos parin sa kanyang ginagawa, "Tatapusin ko lang muna 'tong sinusulat kong kwento."
Tumigil saglit si Jesryl sa kanyang ginagawa nang marinig niya ang sinabe ng binata, "Kuya Elmer, mamaya mo na tapusin 'yan. Tulungan mo muna kami rito para mas madali tayong matapos, nang sa ganun makauwi na tayo." maawtoridad niyang utos dito.
Tinutulungan niya si Boyet magsabit ng mga christmas balls sa christmas tree. Bukod kay Hannah na siyang class president ng Maroon section, si Jesryl ang pinaka pinagkakatiwalaan ng kanilang class adviser na si Ms. Cabunilas (English teacher).
"Oh sige na nga! Mamaya ko nalang tatapusin 'to pagdating sa bahay." pagsang-ayon nalang niya. Tumayo na siya't kinuha ang mga gamit at inilagay ito sa kaniyang bag.
Si Elmer ay isang writer, sa katunayan nga niyan kabilang siya sa mga manunulat ng kanilang school publication na Prime Gazzete. Last last month nagwagi siya bilang best writer sa mystery/thriller na kategorya at noong November ay nasungkit naman niya ang titulong best writer sa kategoryang horror. Diba ang galing?
BINABASA MO ANG
SIGAW: A Horror Movie Remake (Revised)
Mystery / ThrillerPapano kung ang masasayang araw ninyong magkaklase ay magwawakas sa isang madugong pangyayari? Isang pangyayaring di mo inaasahan. Mga pangyayaring kakila-kilabot. Hanggang saan ang kaya mong gawin para mailigtas lang ang iyong sarili? Hindi mo siya...