Dedicated to BTSTej
Nathan's POV
"Ah... eh... Pasensya na macoy kung hindi ako nakapagsaing kanina. Kung gusto mo ay ipagluluto na lang kita" ang sabi ko sa kanya habang naka upo ako sa study table.
"Hindi! Ok lang... Ako na lang ang bibili sa labas" ang sabi nito. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Nakatitig lang ako sa lamesa habang hinihintay ko itong lumabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin kanina. Ang alam ko lang ay hindi ako dapat umasa. Umasa sa salitang hindi naman ako sigurado o malinaw! Salitang Hindi ka man saktan ng pisikal pero masasaktan ka naman emosyonal.
Nakatitig parin ako sa mga libro at notebook kong nagkalat sa lamesa habang Hinihintay ko pa rin siyang makalabas ng kwarto pero tanging katahimikan lang ang maririnig mo kaya napag desisyunan kong lingunin ito.
"Ah.. ano, sige nathan lalabas na ako. May papabili ka ba?" Ang parang natatarantang sabi nito. Kanina pa ba siya sa likuran ko. Umiling lang ako sa kanya at ngumiti.
"Wala. Sige na bumili ka na! Alam kong gutom ka na" ang nakangiting sagot ko dito. Parang iba si macoy ngayon. Parang ang tahimik niya. Lumabas na ito ng kwarto kaya nakahinga ako ng maluwag.
Beep. beep.
Rinig kong tunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko.
"Tulog ka na ba?" Napakunot naman ako ng noo ng mabasa ko ang text. Sino naman kaya ito.
"Hu u?" Reply ko.
"Si blue to. Basahin mo kaya ang contact name ko sa cp mo hahaha" reply nito. Binasa ko naman ang nakasave sa contact ko.
"Mine talaga? Ikaw naglagay nito ano? Hahaha" ang natatawang reply ko.
"Di ba akin kana naman?"
"Hala? Sino me sabi sayo? Ikaw ha! Mamaya, mabasa to ng boyfriend ko. Lagot ako, lagot tayo niyan" reply ko sa kanya. Ilang minuto rin akong naghintay sa reply niya.
Beep. Beep.
Agad ko naman itong binasa.
"Pwede ba kitang yayain bukas. Sa paborito nating puntahan?" Text nito. Napakunot naman ako ng noo.
"Bakit, anong meron?"
"Basta. Hehehe.. ayaw mo ata eh :( " malungkot nitong reply.
"Shunga! Oo na. Payag na ako. Ngumiti ka lang diyan :) " reply ko sa kanya. Nagreply din siya agad.
"Good night mine. Mwah mwah.. chup chup :* :* " napangiti na lang ako.
"Baliw! Oo na, geh na! Good night na rin :) " reply ko sa kanya at nilapag ko na ito sa lamesa. Bubuklatin ko na sana ang notebook ko ng tumunog ulit ito.
"Wala bang good night kiss diyan mula sa mine ko?" Text ni blue. Para matapos na ay sinakyan ko na lang ang kakulitan niya hahaha..
"O, eto na po ang good night kiss niyo prinsipe blue :* :* :* " reply ko sa kanya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti..
"Naks, tatlong kiss.. ibig bang sabihin niyan ay I love You? :) "
"Ewan ko sayo. Sige na! Gud nyt na. Gagawa pa ko ng assignments ko" reply ko sa kanya.
" <3 "
Napa-iling na lang ako sa huling reply nito at nilapag sa lamesa. Hay! Binuklat ko na ang notebook na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Peymus (BoyxBoy) - COMPLETED!
Teen FictionPaano kung ang inyong pagmamahalan ay pakitang tao lang para sa kasikatan na tinatamasa mo. Mananatili ka pa rin ba sa tabi niya kahit nasasaktan kana at ginagamit ka lang o iiwan mo na siya kahit alam mong mahal na mahal mo siya. Highest Rank: #1 i...