Kabanata 13

3.9K 171 49
                                    

              Dedicated to bijoulee

Nathan's POV

Sobrang saya ko ngayon. Sa tinagal tagal ng panahon at pagsasama namin ni Macoy ngayon lang ulit ito nag-alala sa akin.

Ang saya saya ko habang kinakain ang bigay nitong pagkain sa akin. Hindi lang ito basta pagkain kundi isa sa mga paborito kong pagkain.

Hay! Para na akong tanga dito habang sinusubo ang pagkaing ibinigay nito sa akin.

Pagkatapos kong kumain ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si blue. Kaya sinagot ko ito agad.

"Hello"

"Hello mahal" siya.

"Bakit napatawag ka mahal?" Tanong ko.

"Wala. Namiss lang kita. Susunduin kita ngayon ah"

"Eh yung mommy at daddy mo? Kamusta na sila?"

"Umalis na sila kani-kanina lang. Kaya susunduin kita ngayon. Sabay na tayong pumasok sa school. Maligo kana ah kundi ako magpapaligo sayo" natawa naman ako.

"Sira! Oona po. Maliligo na po ako" ang sabi ko.

"Sige, sige. Ibaba muna ang tawag mahal" ang sabi nito.

"Ikaw na mahal"

"Eeeeyy... ikaw na magbaba" ang parang batang sabi nito.

"Ikaw na nga"

Eto na naman po kami.

"Ayaw. Ikaw na"

"Isa. Ikaw na kase"

"Ibaba mo na kaya" ang natatawang sabi nito.

"Hay! Ang kulit. Oo na. Ako na ang magbababa" ang pagsuko ko.

Lagi na lang namin itong pinagtatalunan kung sino ang unang magbababa ng tawag.

"I love you"

Sambit nito mula sa kabilang linya.

Napahinto naman ako sa kanyang sinabi. Parang may tumalon sa puso ko.

Namiss ko siya agad.

"I love you din" ang tugon ko. Sakto namang pumasok si macoy. Binaba ko na ang tawag.

Tahimik lang itong naglakad papunta sa kama. Binalot kami ng nakakabinging katahimikan.

Naupo siya dun at huminga ng malalim.

Tumayo na ako at nagsimulang maghanda para sa pagsundo sa akin ni blue.

"Nathan" ang pagbasag nito sa katahimikan.

"Hmm..Bakit?"

"Ah, eh.. Wala! Umalis kana!" Ang masungit na sabi nito.

Bipolar ba siya?

Hay! Pagpasensyahan mo na lang nathan. Ang sabi ko sa sarili ko.

Bihis na ako at heto nakaupo na sa isang tabi habang hinihintay si blue.

Tiningnan ko lang siya. Mukha siyang balisa at maraming iniisip. Tumayo ito at pumasok sa cr lumabas din siya at nahiga sa kama.

Hindi ko siya maintindihan. Bigla namang may kumatok sa pinto namin. Siguro si blue na yun. Aktong bubuksan ko na ang pinto ng biglang magsalita si macoy.

"Nathan" huminto ako at tumingin sa kanya.

"Bakit?"

Huminga siya ng malalim.

Peymus (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon