Kabanata 17

2.6K 139 48
                                    

Nathan's POV

Matapos ang insideteng nangyari sa amin ni macoy ay nalaman na ng buong school ang pagpapanggap namin. Halos lahat ng aming mga followers ay may kanya kanyang opinyon. Merong panig sa akin at meron din kay macoy.

Pero ang isang nakaapekto sa akin ay ang kani-kanilang masasamang opinyon tungkol sa amin. Tanggap ko naman lahat ng kanilang sinasabi dahil sa simula't sapul ay alam na nila at ipinaalam na namin sa kanila ang nangyayari sa buhay at relasyon namin gamit ang social media.

Isa kami sa matatawag na "Peymus"

Wala naman akong paki-alam kung sumikat ako o hindi. Pero ang mas nagpalungkot sa akin ay ang pagsasalita nila ng masama tungkol kay macoy. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong magsabi ng totoo o manatiling tahimik kahit alam kung labag sa kalooban ko.

Ayokong manloko ng tao pero ayokong may masaktang tao dahil sa akin.

Hindi ko na alam. Gulong gulo na ako at ang isip ko. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

Bumukas ang pinto at pumasok si macoy. Tahimik lang itong dumiretso sa cr. Paglabas nito ay dumiretso naman siya sa kama saka natulog.

Kinuha ko ang gamit at unan ko saka ako naglatag sa lapag.

Hindi niya ko tiningnan, hindi niya ko kinausap. Alam ko naman. Ano pang aasahan ko pero ayoko ng ganito. Ayokong tuluyan ng masira kahit ang pagkakaibigan namin.

                                 -------

Nandito na ako sa school. Habang naglalakad ako ay hindi mo maiiwasang mapansin ang kanilang mga mata. Matang mapang-usisa at nagtatanong. Alam kong magkakaiba sila ng opinyon at pananaw. Pero ang alam ko. Nag-aalala ako para kay macoy.

Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko si blue. Nakaupo siya malayo sa upuan ko habang nakikipag-usap sa ibang mga kaklase namin. Tumingin siya saglit sakin at ibinalik ang tingin sa mga kausap niya.

Wala na ba siyang pakialam sa akin? Sa nararamdaman ko? Napabuntong hininga lang ako at naupo sa upuan ko.

"Kamusta?" Ang bati ng katabi ko. Naglalakbay na pala ang isipan ko ng hindi ko namamalayan.

"O-ok lang" tipid kong sagot

"Wag ka ngang sumimangot diyan. Nababawasan ang pagka-cute mo" ang sabi nito.

Hindi naman sa ano pero hindi naman kami close.

"Sorry. Ang daldal ko na pala. Ganito talaga ako pasensya na. Ako nga pala si Red. Rederick" ang pagpapakilala nito.

"Kilala kita kaya hindi mo na kelangan pang magpakilala" ang sabi ko dito.

"Baka kase hindi mo ko kilala eh. Wala kase akong chance para makausap ka. Alam mo namang ilang subject lang tayo magkaklase tapos lilipat na ulit ako ng ibang section"

Hindi na ko nagsalita. Wala kase akong masabi.

"Gusto mo bang sumabay sakin kumain? Wala kase akong kasabay"

Nakatingin lang ako kay blue. Bakit parang wala lang sa kanya yung nangyari? Nakukuha pa niyang tumawa sa kabila ng aming pinagdadaanan.

Napansin ko na lang na may kamay na humarang sa harapan ko.

"Hoy! Kinakausa kita. Gusto mo bang sumabay sakin kumain?"

"Oo na lang. Feeling close ka" ang masungit na sabi ko dito.

"Yes. Um-oo kana ah. Wala ng bawian"

"Ha? Anong umoo?"

"Tsk. Cute ka nga malilimutin naman. Hays"

Peymus (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon