Kabanata 11

2.9K 149 19
                                    

Macoy's POV

Maaga akong pumasok. Naaalibadbaran kase ako sa kanilang dalawa. Feeling nila mag-asawa na silang dalawa kung maglambingan sa isa't-isa.

Tsk!

Ilang beses ko bang sasabihin na nasa pamamahay ko sila.

Hay!

Pagdating ko sa school pinagkaguluhan na naman nila ang kagwapuhan ko. Well ano bang bago dun? Ako ba naman ang manguna sa most popular student dito sa school namin. Simula noong nag-aral ako dito. Kami na ni nathan ang pinagkakaguluhan ng lahat. Lalo na noong nalaman nila ang dalawang gwapong hinahangaan nila at pinapangarap ay sila din pala ang magkakatuluyan. Nakakagulat nga kase sa halip na husgahan nila kami eh mas lalo pa kami nilang minahal. Mas lalo akong sumikat.

Peymus kung ituring ng iba.

Ang sarap sa feeling. Gayun pa man, hindi ko pa rin pinapabayaan ang pag-aaral ko. Hindi man ako kasing talino ni nathan pero masisiguro ko sayo na hindi naman ako babagsak gaya ng iniisip niyo.

P. E namin ngayon kaya naka short at jersey lang ako. Dumiretso na ko sa basketball court. Meron kang choice kung saang sport ka sasali.

Marami-rami na rin ang tao dito sa court. Half court para sa basketball habang ang kalahating court ay para sa ibang sport.

Ang sarap sa tenga habang naririnig mo ang tilian nila. Sige. Hangaan niyo ako.

Nakita ko si andrei sa riser. Hindi ko alam kung anong ginagawa nitong boyfriend ko dito. Sinalubong ako ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin. Lumapit ako kung saan nakaupo si andrei at tinanong ito.

"Wala ka bang klase ngayon?"

"Meron po kuya pero mamaya pa daw 11 am kaya naisipan kong dito na lang ako tumambay. Gusto kitang panuorin" ang nakangiting sabi nito.

Ang cute niya mga pare.

Maingat kami ngayon pareho sa mga kilos namin. Hindi pa kase kami handa ni nathan na sabihin sa lahat na wala na kami, kahit hindi naman talaga naging kami.

Safe naman kung kuya lang ang itawag sa akin ni andrei atleast hindi sila mag-iisipan ng iba.

"Kumain kana po ba kuya?"

"Hindi pa. Mamaya na lang. Ikaw kumain kana ba?" Nag-aalala kase ako sa kanya. Mahal na mahal ko pa naman to.

"Hindi pa rin po. Sabay na lang tayo" aya niya.

"Sige. Panuorin mo kong maglaro ah. Para sayo lahat ng points ko" sabay kindat ko dito.

"Che! Oo na po. Galingan mo ah"

Hahalikan ko sana siya sa pisnge ng mapansin kong nandito nga pala kami sa court at marami ang mga matang mapagmatyag diyan.

Ginulo ko na lang ang buhok niya at bumalik na ako sa mga kasamahan ko.

Pagbalik ko ay sakto namang pasok ni nathan kasama ang unggoy na boyfriend nito pati na rin ang mga kaklase nito. Rinig ko ang sigawan nila. Akala siguro nila ay binibisita ako ni nathan. Alam niyo naman ang mga shippers diyan.

Syempre. Kelangan namin magpanggap for our image and popularity especially to our beloved fans who makes us popular.

Lumapit ako kay nathan kahit nandiyan pa ang boyfriend nito.

Inakbayan ko ito.

Nagsigawan sila.

Sige. Sumakay lang kayo samin. Bumulong ako kay nathan.

"Umayos ka nathan. Sumakay ka na lang sa mga gagawin ko. Tandaan mo maraming mata ang nakatingin satin. Tiyak na sisikat na naman tayo nito." tumango lang ito at ngumiti.

Peymus (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon