1000 Steps to His Heart
Everyone says love hurts, but that is not true. Loneliness hurts, rejection hurts, losing someone hurts, envy hurts. Everyone get these things confused with love. But in reality love is the only thing in this world that covers up all pain and makes someone feel wonderful again.
Prologue
Hindi ako yung tipo ng babae na sobrang ganda pero masasabi ko na presentable naman ako tingnan, hindi ako sobrang talino pero hindi ko rin maiwasan na makipag-sabayan ng galing sa mga genius ko na classmates. Pero hindi porke't may pagka-genius ako, e hindi na ako gumagawa ng kalokohan wala naman kasing perfect na tao diba? Gaga rin ako minsan, basta kasama ko yung mga 'Gaga girls' ko. Mahilig din ako gumawa ng kalokohan but nothing is serious na darating sa point na ipapatawag ang parents ko sa Guidance office! Hindi naman ako ganun.
But i think isa lang naman ang kalokohan na napasok ko at hindi na ako makalabas.. or let's say na ayoko nang lumabas?
Ako si Ellaine Cruz isang highschool student, 17 years old. Graduating na ako this year, together with my Gaga girls. Umaayon sa plano ko ang ikot ng buhay ko..
But all of it suddenly changed when he comes.
The person who change my world and my heartbeat.. The person who makes me smile even I was just thinking of him!
The guy who I will sacrifice myself to do a one thousand steps to reach his heart.
Chapter One
Ellaine Point of View
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba dapat iyakan ang mga lalaking wala naman ginawa kundi ang lokohin tayong mga babae. Hindi ba dapat matuwa tayo kasi wala na sila at meron pa tayong chance na makahanap ng iba na siguradong magiging tapat sa atin? Oh lemme correct it. Wala na pala tayong mahahanap na ganun, sa panahon ngayon para sa mga lalaki ang girlfriend ay parang wardrobe may pick of the day, pick of the week and pick of the month. See? Para sa lalaki damit lang tayo na kapag pinagsawaan ay itatapon na lang at maghahanap ng panibagong pagsasawaan. Kumbaga sa science kung ang mga hayop may life-cyle ang love life ng mga lalaki meron din Kuha-sawa-tapon-kuha.
Im a right?
"Uwaaaaah. Bakit ganun ang sakit-sakit na makita silang magkasama?" i ark an eyebrow dahil sa ngawa ni Carla. Kanina pa siya paulit-ulit sa sinasabi niyang ang sakit-sakit daw ng puso niya. Like duh? Ilang araw na ba silang break ni Christian?
"Be, stop na please. Just accept the fact na hindi na talaga mababalik yung dating kayo." pag-aalo ni Shane. Seriously? Nagbabalak pa ang babaeng 'to na makipag-balikan sa Christian na yun?! After that guy cheat on her! Tss. Gaga talaga!
"Be, masakit talaga yan. Sige iiyak mo lang yan para mawala na ang lahat ng hinanakit mo." sabi din ni Mara at hinagod-hagod yung likod ni Carla na nakatungo sa desk niya.
Oh god. Bakit ba ako nagkaron ng mga kaibigang ganito? (-_-)
"Hoy! Aluin mo tong si Carla, Ellaine!" pabulong na kalabit sa akin ni Shane. Uh? Ako pa daw ha? Sige, pagbigyan! Tutal naiirita narin ako sa hikbi ni Carla kanina pa kasi siya umiiyak, magiisang oras na rin. Hindi ba siya nauubusan ng luha ng kakaiyak? Tch
"Oh tsupi diyan! Kakausapin ko ang gaga na yan." i waved my hand para umalis si Shane dun sa upuan niya at para ako ang pumalit, nasa gitna kasi nila si Carla.
Umalis naman siya at ako na yung umupo.
"Oy, Carla." kalabit ko.
"Baket?" sagot niya na medyo malalim yung boses dahil siguro sa kakaiyak tsaka kasi nakatungo siya.