Chapter Four
Ellaine Point of View
Dinedma ko na lang at tumayo ako sa gitna ng hall cross arms at tinititigan ng maigi ang lalaking yun na papalapit sa pwesto ko, may kasama siya na dalawa pa eh.
Artista ba ang mga 'to? Kagagwapo oh..
Sa panaginip. Tch
"Shet. Ang pogi talaga ni Jared!" I heard na bulong ni Mara sa gilid ko. I gave her a disgust stare, and roll my eyes. Duh. Pogi nga, masama naman ang ugali. Anong sense nun?
Hindi naman lahat nababase lang sa panlabas na anyo eh. Kaya ako? Nako. Sa panahon ngayon mahirap na maghanap ng lalaking maganda ang ugali at maganda ang mukha!
"Grabeee. Sinama pa niya si Biboy at Miggy! Kyaaaaaaa ~" pasimple na kilig ni Shane at Carla sa tabi ni Mara. Parang mga tanga talaga ang mga 'to magreact. Pagpasensyahan niyo na, wala kasing pogi sa kanila kaya ganyan magsi-asta ang mga yan ha? (-____-")
Tumahimik naman ang hallway kahit na ang daming estudyante sa paligid nung huminto sa harapan ko yung tatlong lalaki.
Halos mapatingala pa ako dahil ang tangkad ni Jared na nakatayo sa harapan ko. Kainis! Sa mga pwedeng kainggitan ko sa kanila, yung height talaga ang kaiingitan ko! Siguro kung ganyan ako katangkad ang sarap mang-bully! Mwahahaha. *evil smile*
"What's with the smirk?" he said with his bored expression. Tinaasan ko siya ng kilay, kalalaking tao e tsismoso! Tss. Pakielam ba niya kung nakangisi ako dito?! Tss
"Its none of your business." mataray ko na sagot at inirapan siya kasabay nun ay ang bulungan sa paligid namin at pagsiko sa akin ni Mara.
Anong problema ng mga 'to? Is this guy some kind of powerful here? Duh. He just arrived a while ago! Duuuh.
Napansin ko na pasimple din tumatawa yung dalawang kasama niya na nakatayo sa likod ni Jared, if Im not mistaken those guys are Miggy and Biboy? Uhh. Whatever! As if I'm interested to know them!
"Give me my shirt." he said in a commanding voice. Simpatiko talaga! Ano ba ang tingin niya sa akin? Katulong na parang utusan?!
Dinampot ko yung paper bag na nakalagay sa sahig at iniangat yun sa mukha niya.