TTG 8

20 3 0
                                    

Part 8

"You change your life by changing your heart"

Lira POV

"Ang bilis ng oras." wika ni Jaxon.

Magkatabi kami ngayon habang nakaupo sa isang gilid para magbawi ng lakas. Nakakapagod din kasi ang pag-a-ice skating at medyo masakit ang aming katawan kasi nga lumaglag na lang kami ng lumaglag.

"Oo nga. Biruin mo 8pm na agad pero until this time hindi pa rin tayo natututo 😂" i said tapping his back and he complains.

"Aray! Masakit ang likod ko."
"Arte. Ang hina hina kaya" sabi ko tapos ay siya naman ang tumapik sa akin at napareklamo din ako kasi medyo masakit.

"Aray. kainis ka"

"O kita mo na, masakit di ba?"

"Grabe naman kasi yung sayo." bigla siyang tumayo at sinabing

"Gutom na ako. May alam ka ba na masarap kainan?"

"Madami. Gusto magstreet foods na lang tayo?"

"Yucks. Ayoko nga. Hindi safe ang ganung food."

"Ay ang arte. Anak rich eh!!"

"Sinong anak rich?"

"Ikaw! Alangang ako."

"Tara na nga!" Tinanggal na niya ang pang ice skating at naglakad na papalabas sa field.

Agad naman akong sumunod sa kanya at sabay kaming lumabas.

Naglakad lakad na kami. Tapos napatingin siya sa buwan.

"Alam mo bang pangarap kong maging astronaut noong bata pa ako." wika niya habang nakatingala sa buwan.

"Oh? Bat ayaw mong ipush? Mayaman ka naman." pero wag mo ng balaking pumunta sa buwan, baka kasi mapahamak ka lang. Concern ako sayo.

"Bakit naman yun pa ang pangarap mo?" dagdag ko pa

"Kasi ang astig tingnan. Parang ang sarap tumira sa buwan"

"Huh? Anong kinasaya dun? Unang una mag-isa ka o di kaya kasama mo mga alien. Weeeh!! So creepy"

"Alien? e alien na nga ang kasama ko ngayon, hindi ka naman nakakatakot ah." he tease.

"Aw ha?! Ako alien?" patanong kong bigkas

"O? Ikaw na ang umamin na alien ka. haha"

"Ang hase mo" hinampas ko siya ng hinampas. "Leche ka, kung ako alien ikaw naman Impakto!"

"Aray! Palo ka ng palo! Feeling close ka na ha." he said kaya medyo napatigil ako sa paghampas sa kanya. I feel ashame to what he said so i move little to distance him.

"Sa bagay, hindi naman tayo close." Saad ko at naglakad na ako pauna sa kanya.

"Galit ka?" he asked but i dont respond. Patuloy ako sa paglalakad, uuwi na lang ako pero bigla niya akong hinabol at umuna sa akin.

"Haysss, mga babae talaga, simpleng joke masyadong damdamin" saad niya habang naglalakad at nakalagay pa ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

Naglalakad kami na tila strangers sa isa't isa and i feel so awkward.

"Sige na, uwi na ako. Magsasakay na ako." paalam ko

"Gutom na ako. Samahan mo muna akong kumain ng street foods." wika niya

"Hindi ka naman nakain nun di ba?"

"Gusto kong itry."

"Wag na. Baka masira pa yang tyan mo tapos sisihin mo pa ako." pagkatapos kong sabihin yung ay hinalbot na niya ang kamay ko at niyakap.

Trusting The Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon