Part 13
"The Best Love is the one that makes you a better person, without changing you into someone other than yourself."
Lira POV
Sarap na sarap ang dalawang bata sa pizza at mukhang gutom na gutom hanggang sa may sinabi yung isang bata
“Pwede po bang mag-uwi ako ng isang hiwa nito para po sa aking inay?”
“Ok.” Sagot ni Jaxon kaya naman natuwa yung bata.
“Pwede po bang ako rin? Ibibigay ko lang po sa kapatid ko?” saad naman nung isa“Hindi na. Sige na, Kainin niyo na yan. Mamaya na lang tayo bibili. Ipagtetake-out ko kayo para may pasalubong kayo mamaya sa inyong pamilya.” Mabait na sabi ni Jaxon
“Talaga po?”
“Syempre.” Sagot pa niya kaya naman napapalakpak yung dalawang bata sa tuwa.
Naiyak na naman ako para sa dalawang bata at kay Jaxon. Nakakatouch si Jaxon at nakakaproud ang ugali niya. Siya yung tipo ng lalaki na gustong mahalin ng mga babaeng tulad ko. That type of guy is the one I am praying for, And that guy is sitting beside me.
“Ang babaw talaga ng luha mo” inabot niya sa akin ang kanyang panyo matapos sabihin yun.
“Ganito lang talaga ako kapag masaya” sagot ko
“Saan ba kayo nakatira?” Muling ibinaling ni Jaxon ang kanyang pansin sa dalawang bata
“Sa riles po” sagot nung dalawang bata.
Hindi ko pa pala sila naipapakilala, Sila nga pala si Kiko at Toto.
Hindi sila magkapatid, magkababata daw sila at parehas ang sitwasyon nila na salat sa buhay. Isang beses lang daw silang kumain sa isang araw kaya naman naisipan nila na mamulot na lang ng basura at ipagbenta para daw may makain sila.
“Gusto kong pumunta sa bahay niyo” saad ni jaxon sa dalawang bata kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso.
Really? May home visitation pa siyang nalalaman? Hayyysss. If ever na seryoso siya at nagtungo siya sa riles, Siya na. Siya na talaga ang pinakasantong gangster na nakilala ko. Ahaha
“Medyo malayo po ang amin” saad nila.
“Edi magsasakay tayo”
Nagkasundo na sila. Pupunta si Jaxon sa riles.
“Yaan na ba ang isusuot mo?” tanong niya sa akin
“Huh?” Nakauniform pa rin kasi ako.
“Kasama ako?” nagulat kong tanong
“Syempre.”
*******
Hindi ako nainform!! Pero pabor sa akin. Gusto ko ang gagawin namin pero natatakot ako sa lugar, baka kasi magulo dun.Nag-abang na kami ng sasakyan at dun ay sinabi niya sa akin.
“Makabili na nga ng kotse bukas”
“Wow. Tutsyal. Bumili ka na nga tapos hatid sundo mo ako” biro ko
“Sure. Para kapag may kotse na tayong gamit, we can go wherever we want to go! Mapaparami ang madidiscover nating mga masasarap na pagkain” saad niya
“Baka naman tumaba tayo tapos ma-flat na ang kotse mo! Ahaha”
“Kiko at Toto, Ako nga pala si Kuya Jaxon, at ito ang girlfriend ko, si ate Lira” umakbay siya sa akin kaya naman napangiti ang dalawang bata.“Nako mga bata, hindi ko pa boyfriend ang kuya Jaxon niyo. Hindi pa niya ako nililigawan”
“Hoy! Sabi mo kanina mahal mo na ako” paalala niya
BINABASA MO ANG
Trusting The Gangster (Completed)
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang Gangster? Maniniwala ka ba kapag sinabi niyang gusto na niyang magbago?