Part 9
"If not forever, stay with me with the longest time you can"
Lira POV
Binuhat ako ni jaxon papunta sa office nila. Seryoso ang mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya dahil sa nangyari sa akin.
Sa kanyang paglalakad ay nakatutok ang mga mata sa amin ng mga studyante hanggang sa tumigil siya at nagsalita.
"Sinong nakakaalam sa inyo kung sino ang nagpasimuno nito?!" tahimik ang mga studyante at yumuko. Wala sa kanila ang nagsalita at maaring hindi rin nila alam kung sino ang nanakit sa akin.
"Malaman ko lang kung sino sino ang nagpakana nito, pagsisisihan nila ito ng buong buhay!" matapang niyang dikta at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Nakarating kami ng office at doon ay maingat niya akong iniupo sa couch.
"Wag ka ng matakot, hindi na ulit ito mauulit" tumabi siya sa akin sa upuan at muli akong niyakap.
"Mga duwag sila, bakit sayo sila gumaganti!" saad niya
"Humanda talaga sila!" banta niya kaya tumingin ako sa kanya, hinawakan ko ang kanyang kamay at nakiusap.
"Wag n jaxon. Kalimutan mo na ang nangyari. Wag mo na silang gantihan pa"
"Hindi pwede. Hindi tama ang ginawa nila sayo. Bakit ka nila dinamay? Dahil alam nila na wala kang kalaban laban?"
"Pero Jaxon, lalo lang lalala ang sitwasyon pag gumanti ka pa"
"Hindi ka nila titigilan kahit pa manahimik na lang ako."
"Bakit naman?"
"Dahil alam nila na ikaw ang kahinaan ko."
😶
Anong ibig sabihin niya?...
"Ikaw ang kahinaan ko kasi gusto kita."
straight words from him that strike my heart.
"Jaxon?..." medyo naluha ako, nalilito ako kasi natatakot ako at natutuwa. Di ko alam ang dapat kong i-express sa sinabi niya.
"Hindi kita bibiglain. Hindi rin kita pipilitin kung ayaw mo sa akin, basta ang alam ko lang, gusto na kita." tumayo siya at hinubad ang kanyang uniform. Medyo nadumihan kasi dahil binuhat niya ako. Nakasando na lang siya tapos ay kumuha siya ng towel at damit dun sa may cabinet. Oo may cabinet dito sa loob ng office nila, meron din CR. Basta malaki ang office na to.
Lumapit siya sa akin at inabot yung kinuha niya at sinabing "maligo ka muna" para pala sa akin yung mga gamit na kinuha niya.
Tinanggap ko naman ang mga ito at tumayo na ako.
"Salamat." Naglakad na ako patungo sa CR at doon ay nagshower na ako.Sa loob ng bathroom ay nag-iisip ako ng malalim. Tungkol sa sinabi ni Jaxon. Confirm, he likes me. Umamin na siya pero hindi ako tumugon.
Ang bilis. Pero ang saya. Nakakabigla na nakakatuwa
Gusto niya ako at gusto ko rin siya pero hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Kailangan ko pa bang aminin?Handa na ba akong pumasok ulit sa relasyon? Pero saglit pa lang kaming nagkakakilala ni Jaxon.
Pero yung saglit na sandaling yun ay nagturo sa akin ng matinding tiwala para sa kanya.
Natapos na ako sa paliligo at sinuot ko ang pinahiram niyang t-shirt.
Wala akong short. Madumi na naman ang palda ko at basa kaya nagtapis na lang ako ng tuwalya.
Lumabas na ako ng CR at napansin ko na wala si Jaxon.
"Hay, saan kaya nagpunta yun? bakit hindi siya nagpaalam?" saad ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Trusting The Gangster (Completed)
RomansKaya mo bang magtiwala sa isang Gangster? Maniniwala ka ba kapag sinabi niyang gusto na niyang magbago?