“MALIKMATA”
7:20 am- VULCANIZING SHOP
Nang oras na yun ay huminto muna sila sandali sa Vulcanizing Shop para ipaayos ang isang malambot na gulong sa may kanan ng sasakyan.
Mr. Mike: Oh, sandali lang ha. Ipapaayos ko lang yung gulong.
Mr. Jerry: Kaya bumaba muna tayong lahat dahil aalisin yung gulong niyan.
Trisha: Huh?! Kailangan pa talagang bumaba dad?!
Mr. Mike: Oo! Itataas nila itong sasakyan eh, kaya kailangan magaan ‘to. Kaya baba na dali.
Trisha: Haist! Ang init-init sa labas eh!
Bumaba na silang lahat. Pagkababa ay pansamantala munang umupo sina Mrs. Jaimie, Julienne, Trisha, Audrey, Jake, Finn at Kaifer sa may semento sa tabi ng daan. Si Mrs. Lorraine naman ay nakatayo sa tabi ng sasakyan habang busy sa pagtetext. Ang magkapatid na Mr. Mike at Mr. Jerry naman ay kinausap ang may-ari ng Vulcanizing Shop.
Julienne: Ang inet! Ang aga aga ganito na ang init! Iba na talaga ang init ngayon!
Trisha: Bakit naman kase kailangan pang bumaba! Ang tagal naman nung mga gumagawa…!
Mrs. Jaimie: Anong oras na niyan?
Julienne: Ahm… 7:25 po
J
Mrs. Jaimie: Siguro mga 9:00 nandun na tayo noh.
Julienne: Hindi po siguro. Almost 2 hours po yung biyahe eh.
Mrs. Jaimie: Ah ganun ba… Alam ba niyan ng lola mo na pupunta tayo dun sakanila ngayon?
Julienne: Hindi ko lang po alam hehehe
J
Mrs. Jaimie: Ang tagal mo nang hindi nakakapunta dun noh…
Julienne: Oo nga po eh… 2 years na rin po akong hindi nakakapunta dun. Ang tagal ko nang hindi nakikita si lola.
Mrs. Jaimie: Oo nga, kaya mabuti ngang sumama ka ngayon.
Pumunta na sa may gilid ng sasakyan ang isa sa mga tauhan ng Vulcanizing Shop. Bitbit nito ang isang bakal na kagamitan para maitaas ang sasakyan at para matanggal na ang isang gulong nito. Lumuhod ang lalaki para tanggalin na ang gulong. Samantala seryoso namang pinapanood ni Julienne ang lalaki habang tinatanggal nito ang gulong. Habang tinatanggal ng lalaki ang gulong biglang….
Guy: Aray….!
Nagulat sina Julienne dahil sa sigaw ng lalaki.
Mrs. Jaimie: Oh! Anong nangyari sa’yo?!
Julienne: Kuya?!
Guy: Tsss….! Naipit ang balat ng daliri ko! Tsk! Ang sakit!
Julienne: Nako! Dumudugo nga po! Teka, kukunin ko lang po yung tissue dun sa loob.
Mrs. Jaimie: Mabuti pa nga, bilisan mo julienne.
Guy: Ah! Wag na iha. Salamat nalang. Lalagyan ko nalang ng band aid mamaya.
Julienne: Pero baka mainfect po yan!
Guy: Hinde. Malayo ‘to sa bituka!
J
Julienne: Oh sige po, kayong bahala.
Muling bumalik si julienne sa kanyang kinauupuan. Samantala yung lalaki naman ay pansamantala munang pumasok sa Vulcanizing Shop. Habang nakaupo si julienne ay napatingin siya sa may bandang ilalim ng sasakyan. Pagkatingin niya ay tila may anino ng tao ang gumalaw sa ilalim.
BINABASA MO ANG
Nababalot ng Hiwaga
HorrorDito sa mundong ating ginagalawan may mga bagay na hindi natin maipaliwanag, mga bagay na nababalot sa kahiwagaan. Pasukin at tuklasin natin ang mundo na nababalot ng hiwaga. Sa kauna-unahang Horror story na ihahandog sa inyo ni Ace Lascano ang nagh...