“BABAENG ITIM”
3:30 p.m- MR. DINO’S BIRTHDAY PARTY
Marami na ang mga bisita at puno na rin ang venue. Makalipas ang ilang minuto ay tatawagin na ang birthday celebrant. Umakyat na sa stage ang emcee ng event.
Emcee: Good Afternoon to all of you! J we’re all here at Sembrano Residence to witness the 40th Birthday Celebration of the Gentlemen and Handsome person J Ladies and Gentlemen, lets give a big hand and round of applause our birthday celebrant, Mr. Dino Sembrano! J
[APPLAUSE]
Dino: Thank you Ms. Beautiful Emcee! J
Emcee: [Smile]
Dino: And also thank you very much to all of you for coming here in my birthday celebration J My family, relatives, friends, co-workers and neighbourhoods J
[HAHAHAHA]
Tahimik ang buong paligid dahil ang lahat ay nakikinig sa speech ng birthday celebrator na si Mr. Dino. Maging si Julienne ay abala ring nakikinig sa speech ng kanyang tito dino nang biglang mabaling ang tingin niya sa kinauupuan ng emcee ng event. Nanlaki ang mga mata ni Julienne sa kanyang nakita! Dahil nakatayo mismo sa tabi ng emcee ang babaeng nakaitim. Tumingin si Julienne sa paligid niya. Ngunit takang taka si Julienne dahil hindi man lang naaalis ang tingin ng mga tao sa tito dino niya na patuloy pa ring nag-iispeech sa sandaling yun. Muli siyang tumingin sa pwesto kung saan nakaupo ang emcee at naroon pa rin ang babae. Hindi pa rin ito umaalis sa tabi ng emcee at tila ba nakatingin ito kay Julienne. Kinilabutan ang buong katawan ni Julienne, umakyat ang kilabot hanggang sa ulo ni Julienne at biglang nanlamig si Julienne kahit tirik na tirik ang araw ng mga oras na yun. Napansin ni Audrey na para bang naging balisa si Julienne sa kanyang kinauupuan.
Audrey: Ate Julienne, Ok ka lang ba?
Julienne: Ah, oo Audrey, a-ayos lang ako.
Muling tumingin si Julienne sa kinaroroonan ng babaeng nakaitim at nandun pa rin ito at nakatingin pa rin sa kanya. Biglang nakaramdam ng panghihina si Julienne na tila ba hinahatak ng babaeng nakaitim ang kanyang enerhiya sa buong katawan. Pinagpapawisan na si Julienne dahil dito ay bigla siyang napahawak kay Audrey.
Audrey: Oh! Ate julienne! Ok ka lang ba talaga?
Julienne: A-Audrey, p-pwede mo ba akong samahan sa loob ng bahay? Pumasok muna tayo please. [Weak voice]
Audrey: O sige sige
Tumayo si Audrey para samahan si Julienne sa loob ng bahay.
Trisha: Oh? Saan pupunta yung dalawang yun?
Belle: Baka may kukunin lang sila sa loob.
LIVING ROOM
Sa sandaling yun ay nasa sala na sina Julienne at Audrey. Mabilis na umupo sa sofa si Julienne habang ito’y pinagpapawisan.
Audrey: Ate Julienne, ok ka lang ba talaga? Mukha kasing hindi ka ok eh
Julienne: Tubig [Weak voice]
Audrey: Tubig? O sige sige sandali lang
Mabilis na pumunta sa may kusina si Audrey para kumuha ng tubig.
Audrey: Heto oh
Julienne: [Drinking]
-Salamat Audrey [Weak voice]
Audrey: Ano bang nangyayari? May masakit ba sayo ate julienne?
Julienne: Wala, wala Audrey
Audrey: Eh namumutla ka ate, imposibleng walang masakit sayo [Worried face]

BINABASA MO ANG
Nababalot ng Hiwaga
HorreurDito sa mundong ating ginagalawan may mga bagay na hindi natin maipaliwanag, mga bagay na nababalot sa kahiwagaan. Pasukin at tuklasin natin ang mundo na nababalot ng hiwaga. Sa kauna-unahang Horror story na ihahandog sa inyo ni Ace Lascano ang nagh...