Chapter 4: "IVAN & JULIENNE"

86 0 0
                                    

Julienne: Hi :)

Dahan dahang umupo si Julienne sa tabi ni Ivan.

Ivan: Nakikita mo rin sila. [Serious face]

Julienne: Ha?

Ivan: Nararamdaman ko, nakakakita ka rin ng mga nilalang na hindi nakikita ng isang pangkaraniwang tao.

Julienne: Pero… paano mo nalaman?

Ivan: Nakakakita rin ako pero bukod dun may kakayahan din akong maramdaman kung ano ang sitwasyon o pinagdadaanan ng isang tao.

Julienne: Wow… ang galing mo naman! :)

Ivan: Nandiyan lang sila sa paligid.

                -Nakatingin, nagbabantay, naghihintay.

Julienne: Pero bakit sila nagpapakita?!

Ivan: Mensahe, may mga mensahe silang gustong iparating. Mga mensaheng hindi nila naiparating dulot ng kanilang maagang pagkawala dito sa mundo. Maaari ring isang signos ang kanilang pagpapakita, signos na may nagbabadyang mangyari.

Julienne: Nakakakilabot naman!

Ivan: Maaaring may mga missions din silang hindi natapos nung sila’y nabubuhay pa kaya siguro sila nagpapakita. O kaya naman baka paghihiganti ang nais nila.

Julienne: Ha?

Ivan: May mga multong namatay dahil sa galit kaya paghihiganti ang nais nila.

Julienne: Bakit ang dami mong alam sa mga ganyan? Eh laking U.S ka.

Ivan: Alam mo kahit sa U.S ako lumaki, hindi nagkulang si mama sa pagbabahagi ng mga kultura at paniniwala ng mga Pilipino sa aming magkakapatid. Nabanggit na rin ni mama ang tungkol sa mga multo and paranormal activities. After nun naging interested na’ko sa mga ganung topic kaya ang ginawa ko nagresearch ako para mas marami pa akong malaman about ghosts and paranormal activities.

Julienne: Ah… kaya naman pala ang dami mong alam. :)

                -Ako kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganyang usapin kaya marami pa akong mga tanong tungkol sa nangyayari sa akin ngayon.

Ivan: Matagal kana bang nakakakita?

Julienne: Oo naman! Hindi naman ako bulag noh! [Toinks!]

Ivan: Ha?!

Julienne: Ayan oh! Dalawa yung mata ko! [Toinks!]

                -Malinaw ang mga mata ko brad! [Toinks!]

Ivan: Tss! Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin eh!

Julienne: Ay! Hindi ba! [Shy face]

Ivan: Ang tinatanong ko kung matagal kana bang nakakakita ng mga ghosts!

Julienne: Ay! Yun ba!

Dahil dun ay napakamot ng ulo niya si Julienne. Bakas sa mukha niya na nahiya siyang bigla kay Ivan.

Julienne: Hindi pa naman [Awkward face]

                -Actually kahapon palang ang unang beses na nakakita ako ng multo o kaluluwa. Nakakaramdam ako pero yung nakakakita hindi. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa akin eh, bigla nalang akong nakakakita ng mga multo ngayon.

Ivan: Ang ibig sabihin niyan kaka-Open lang ng third eye mo. Iilan lang ang nabibiyayaan ng third eye. Maaaring ikaw din ay nabiyayaan ng third eye, late bloomer lang siguro ang third eye mo kaya ngayon ka palang nakakakita ng mga ghosts.

Nababalot ng HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon