Love Game (One Shot Story)

135 4 0
                                    

"Time first!" sigaw ko habang nakataas ang kamay kong naka-peace sign.

Nilapitan ko ang bag ko sa lapag atsaka uminom ng tubig.

"Ah!" nahiga ako sa field. "Hah! Kapagod!"

"Uy! Ayaw mo na?!" sigaw ni Josephine.

"Saglit lang!" sigaw ko habang nakahiga pa rin.

"Tumayo ka na dyan bilis!"

Hindi ko sya pinansin.

"Theodore!"

Nakakapagod syang kalaro. Masyado na syang addict sa tennis. Grabe. Lagi na lang love game laro namin. Syempre ako yung loser na laging zero yung score.

"Teddy!"

Napatingin ako sa langit. May stars na. Kanina lang maliwanag pa. Hindi ko napansing gabi na pala.

"Aray!"

Nilingon ko sya nang batuhin nya ako ng tennis ball. Nakabusangot ang mukha nya habang naglalakad sya papalapit sakin.

"Kainis ka." Nahiga sya sa tabi ko. Tumingin kami sa langit.

"Ganda ng stars nuh?"

Hindi sya umimik. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang sya sa stars.

"Sobrang ganda.." bulong ko habang nakatingin parin ako sa kanya.

Nilingon nya ko at tinanong kung ano daw yung sinabi (binulong) ko.

Hindi ako umimik. Nakatingin kami sa mata ng isa't isa.

"Jo, ayaw mo ba talaga sakin?" tanong ko sa kanya.

"Huh?"

"Ayaw mo talaga sakin nuh? Kasi kung hindi matagal mo na kong sinagot."

Ngumiti sya, "talunin mo nga daw muna kasi ako. Haha!"

Naalala ko nung tinanong ko sya kung pwede ko ba syang ligawan ang sabi nya lang sakin talunin ko daw muna sya sa tennis.

"Talunin, eh ni hindi nga ako maka-point manlang."

Tumawa sya, "kaya mo yan. Tiwala lang. Haha!"

"Kung sakaling manalo nga ako, sasagutin mo na ko?"

"Oo naman! Hahaha!"

Siguro iniisip nya na hindi ko talaga sya kayang talunin kaya kung maka-oo sya ganun ganon na lang. Pwes. Kung ganon nga iniisip nya, tama sya.

"Tara!"

Tumayo ako. Nakahiga parin sya. I handed her my right hand. Inabot nya naman ito at tumayo na din sya.

"Ok then."

Naglaro kami ng naglaro pero wala. Olats talaga. Hindi ko alam kung wala lang talaga akong talent pag dating sa tennis o sadyang magaling lang sya.

Narinig kong nagri-ring yung cell phone ko kaya tumigil muna kami atsaka ko kinuha ang phone ko sa bag para sagutin 'to. Si ate. Pinapauwi na ko, naga-alala na daw kasi si mama.

"Oo pauwi na ko."

"Loko ka. Bilisan mo ah."

"Haha! Oo sige sige. Bye!"

I ended the call pagkasabi ni ate ng bye.

"Ngiting ngiti ka jan ah. Sino yun?" tanong ni Josephine sa tabi ko.

"Haha. Si ate pinapauwi na ko. Naga-alala na daw si mama eh. Tara hatid na kita sa inyo."

Habang naglalakad kami pauwi nagkakalikot si Josephine sa cell phone ko.

"Ano ba tinitignan mo dyan?"

Tumingin ako sa screen nang biglang may nagtext.

"Oh! Sino tong Amy?" Binuksan nya yung message.

From Amy:

Good night. I love you babe :*

Kaibigan ko si Amy. Yung boyfriend nya yung tinutukoy nyang babe. Ganyan talaga yan. Ginu-group message nya yung pagmamahalan nila ng boyfriend nya.

Binalik sakin ni Josephine yung cell phone ko at bigla syang naglakad ng mabilis.

"Oy saglit!" Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko sya.

"Sino yung Amy'ng yun? Nanliligaw ka sakin 'tos may girlfriend ka naman pala!" sigaw nya habang naglalakad parin ng mabilis.

"Huh? Teka nga!" Hinawakan ko sya sa wrist nya. Napatigil kami sa paglalakad.

"Sabi ko na nga ba! Kaya ayokong sagutin ka eh!"

"Pinagsasabi mo? Ibig mong sabihin ayaw mo lang talaga sakin kaya hindi mo ko sinasagot?"

"Hindi!"

"Hindi? So hindi mo nga ko sinasagot pa kasi hindi kita matalo talo sa tennis? Kasi gusto mo manalo muna ako?"

"Manalo? Matagal ka nang nanalo!"

"Kelan?" naguguluhang tanong ko. Wala akong maalalang natalo ko na sya.

"In the game called love, the first one who fall is the loser diba?! Kaya ako yung loser sating dalawa!"

"Huh? Pinagsasbi mo?"

Hindi ko talaga makuha yung mga sinasabi nya.

"Ako yung loser.. Matagal na kitang mahal eh.. Matagal na kong na-fall sayo.." sabi nya ng nakayuko.

"Mahal mo ko?" naguguluhang tanong ko. Labo talaga nya. Bigla biglang magsasabi ng kung anu ano tapos biglang sasabihing mahal nya ko.

"Alam mo ba kung bakit hindi kita sinasagot?"

"Teka umiiyak ka ba?" Sinilip ko yung mukha nya kasi parang umiiyak sya.

"Kasi naman hindi mo na kailangang manligaw!"

Nagulat ako nang humarap sya sakin at sumigaw.

Parang tangang ngumiti ako bigla at niyakap ko sya.

"I love you too."

Kung anu ano pang sinasabi nya naga-I love you lang naman sya.

Kaya pala sya biglang nag-alburoto kanina kasi ang akala nya girlfriend ko si Amy at nagselos sya. Sinabi ko sa kanyang kaibigan ko si Amy at ganun lang talaga sya mag-express ng pagmamahal nya sa boyfriend nya.

"Bagay nga talaga tayo. Parehas tayong losers. Hahaha!" natatawang sabi ko nang maalala ko yung sinabi nya kanina.

"Sira ka talaga."

"Bakit kasi hindi mo sinabi saking mahal mo ko. Pinahirapan mo pa ko sa tennis."

"Hindi mo naman kasi kailangang manligaw eh."

"Edi tayo na pala?"

"Oo naman loser! Hahaha!"

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"I love you loser."

Kung loser ako dahil laging love game ang laro namin sa tennis, sya naman loser dahil una syang na-fall sakin. Mga losers kami.

Love Game (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon