Chapter 51: Move

559 32 3
                                    

Chapter Fifty-one

Lumilipad ang isip ko.

Naisipan kasi namin ni Yoongi na maglakad-lakad muna sa loob ng subdivision namin matapos naming kumain sa labas kanina.

I know this is a precious moment between us but I just can't stop thinking about what Kuya Paulo said awhile ago.

Moving out?

Do we really have to?

"Hey, Cherry, what's wrong?"

Napitigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang tanong ni Yoongi.

Hindi ko man lang napansin na kanina pa siya huminto sa paglalakad kaya may kalayuan na ang agwat naming dalawa.

"After that phone call, you've been spacing out. May problema ba?" Seryosong tanong niya saka lumapit sakin.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil yon.

"You can always tell me." Saad pa nito.

Napatungo na lang ako.

Gusto ko rin namang makasama ulit si Kuya Paulo pero ayaw ko namang iwan yung pamilya ko dito, yung mga kaibigan ko, lalo na yung lalaking nasa harap ko ngayon.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nginitian niya lang ako saka hinaplos ang buhok ko.

"Kung hindi mo pa kayang sabihin ngayon, maghihintay ako. Hindi naman kita pipilitin." Nakangiting saad nito saka marahan akong hinila palapit sa kanya kaya nagsimula na ulit kami maglakad.

"Uhm..." I hesitated.

Pareho kaming tumigil muli sa paglalakad at tinitigan naman ako ni Yoongi.

"S-si Kuya Paulo yung tumawag sakin kanina." I confessed.

Tumango lang siya at hinintay ang muling sasabihin ko.

"He wants us to move out." There. I finally said it.

Tiningnan ko lang ang naging reaksyon niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero sa huli ay nginitian niya lang ako.

"Your brother is making it up to you." Nakangiti pa ring saad nito bago kami maglakad muli. "Good to know." pahabol pa nito.

Wala ni isa ang nagbalak umimik samin. Ang tahimik masyado. Sinulyapan kong muli ang mukha ni Yoongi. He wasn't happy, I know. But he tried not to show it.

"Uhm, saan?" Biglang tanong niya.

Napatungo ulit ako.

"Davao." Maikling sagot ko.

Napabuntung-hininga naman siya.

"For a moment there, I thought you'd be going abroad and we'd be thousands of miles apart. It's a relief, though." Nakangiting saad nito.

Napangiti na lang ako.

I'm glad he's staying positive about this matter. I thought he'd be mad.

"When?" He asked again.

"End of this semester." Laglag ang balikat na sagot ko.

Napatigil naman muli kami sa paglalakad at nakita kong napanganga siya sa sinabi ko.

"What?! That soon?" Gulat pang tanong nito. "But that's like, next week." dagdag niya pa.

Tumango-tango naman ako. "I know." Mahinang saad ko.

"Why so soon?" Malungkot na tanong nito.

"I don't know." Umiiling kong sagot.

For the nth time, I heard him sigh.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin saka ako mahigpit na niyakap. "I'll miss you," bulong niya saka marahang hinaplos muli ang buhok ko.

Hinigpitan ko naman ang pagkakayakap ko sa kanya saka ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya.

I don't want to cry again, but I just can't help it.

I'm going to miss this guy... So damn much.

Grabe lang, ni hindi pa nga ako nakakaalis. Ang OA ko lang.

"Hey, hey..." Kalmadong saad niya nang mapansing umiiyak na ko. "Don't cry." Pagpapatahan pa nito sakin.

***

"What flavor do you want?" tanong ni Yoongi nang nasa counter na kami.

"Cookies and Cream."

Inirapan niya lang ako.

"Kookie na naman."

Napakunot naman ang noo ko.

"Anong sabi mo?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

"Wala. Oh." Sagot niya sabay abot sakin nung ice cream.

Biglang nagyaya kanina si Yoongi na mag-ice cream nang hindi pa rin ako matigil kanina sa pag-iyak.

Even now, nalulungkot pa rin ako habang naiisip na malapit na akong umalis.

"Hey, cheer up. Respeto naman sa ice cream. Nakakakita na nga ng panget, nakabusangot pa." Nang-aasar pang saad ni Yoongi kaya inirapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

But I'm glad he's here. With me.

I hope we could just stay like this forever.

But we didn't. We couldn't.

What's After "EVER AFTER" [Suga Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon