"Miss-"
Bahagyang tumigil si Quin sa pagre-retouch sa mukha ko nang pumasok sa dressing room ko 'yung assitant photographer para tawagin ako.
"Be ready in five minutes. Dumating na po 'yung partner niyo." Dagdag pa nito.
Tumango lang ako at bahagyang ngumiti.
Matapos ay lumabas din siya ng kwarto.
Napabuntung-hininga na lang ako at napatitig sa malaking salamin sa harap ko.
Ikaw pa rin ba 'yan, Cherry?
Parang sobrang laki na ng pinagbago mo.
Change? Did I really?
Has it been... what? Three years? Four? I lost count. Doesn't really matter.
Really.
"All done na ang make up mo, beks! Gumora ka na sa studio."
Napatitig ulit ako sa sa salamin. Sa mukha ko.
Bakit kahit anong pagpapaganda ang gawin nila sa mukha ko, pakiramdam ko ang pangit, pangit ko pa rin.
Natawa na lang ako sa sarili ko.
"Yeah, maybe I really did change." Mahinang saad ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.
Imagine... The great Cherry Fortaleza... The proudest of them all... Is suddenly unsure... Suddenly so insecure... Suddenly-
A feeler no more.
Hindi niyo naman siguro ako masisi sa laki ng pinagbago ko.
Even the most exquisite porcelain loses its value, its beauty, when shattered.
Ako pa kaya?
Narinig ko ang mahihinang pagkatok sa pinto kaya dali-dali na akong tumayo at sinuot ang blazer bago dumiretso palabas ng dressing room.
"Ayos na po ba kayo, Miss Cherry?"
Nakangiti naman akong tumango.
Actually, no. I'm not.
But the world doesn't really care.
Napailing na lang ako sa sarili ko saka natawa. This is so not me. Ang dramatic ko masyado, hindi bagay.
Nang makapasok kami ng studio ay agad kong nakita ang makakapareha ko sa shoot na 'to.
"Naks! Gwapo natin ah!" Nakangiting bati ko sa kanya.
Napangisi naman siya.
"Kailan ba hindi?" Mayabang naman na saad ng kaibigan kong rock star. Yup, the great Gin Montero in the house yow.
"Ang hangin naman." Natatawang saad ko saka lumapit sa kanya.
"Wait, mukhang stress ka, mother dear. Problem?" Baling ko kay Mama Reyn, photographer namin ngayon. Reyn, short for Reynaldo.
Napangiwi naman siya.
"Ka-imbyerna naman kasi 'yang manager ni Montero. Missing in action na naman."
Natawa na lang kami.
"Chill. Inaasikaso niya lang 'yung issue kay Ren. Highblood ka na naman." Sagot naman ni Gin.
"O, siya, siya. Simulan na 'tong shoot na 'to nang maaga tayong matapos." Nakasimangot pa ring saad ni Mama Reyn saka kinuha ang camera.
Itinutok niya sa amin ni Gin ang camera. Sunud-sunod na flash ang narinig ko habang gumagawa kami ng iba't-ibang pose... iba't-ibang ekspresyon. Mga pekeng ekspresyon na ipinapakita lang sa tapat ng camera. Dahil kailangan. Dahil iyon ang nasa tema. Marahil 'yon rin siguro ang gustong makita ng mga tao, ng mga nagmamasid sa bawat galaw namin.
BINABASA MO ANG
What's After "EVER AFTER" [Suga Fanfic]
Fiksi Remaja[SOON] So what comes after Cherry and Yoongi's "EVER AFTER"? Feeler Much?! Book 2