Chapter 2

212 13 5
                                    

"What do you mean you can't?" Tanong sa'kin ni Namjoon mula sa kabilang linya.

Napabuntung-hininga na lang ako saka sinilip ang sangkaterbang music sheets na nakakalat sa desk ko.

"I'm busy, okay?" Sagot ko saka niloudspeaker and phone bago ito ipatong sa lamesa.

Tumayo ako para abutin ang earphones na nakalapag sa kama ko saka ito ipinasak sa laptop.

"Too busy to even come on your brother's birthday?" Tanong pa nito.

I sighed.

"He probably doesn't want me to come." Simpleng sagot ko saka sumandal sa upuan ko.

Kumikirot na naman ang ulo ko. Ilang araw na 'kong puyat sa kakagawa ng melody na sasakto sa sinulat kong lyrics.

"YOONGI!"

"F*ck!" Gulat na usal ko nang biglang may sumigaw sa telepono.

"F*ck you, Taehyung." Inis na saad ko. Muntik na 'kong atakihin sa puso.

"I miss you, too, bro!" Tumatawang bati niya pa.

Tch. When will he ever grow up?

"Yoongi-"

Natahimik naman ako ng marinig ang boses na 'yon. When was the last time this person talked to me?

"H-hyung..." Kinakabahang sagot ko.

"Come. The boys miss you." Rinig kong saad niya pa.

Kinakausap na 'ko ni Jin?

"I- I'll try." I mumbled.

"You should be there. Hindi pwedeng hindi." Saad pa niya saka pinutol ang tawag.

Napabuntung-hininga na lang ako saka sumandal sa inuupuan.

Pupunta ba 'ko?

I'm sure Kyle wouldn't be so happy to see me.

Napatingin ako sa music sheet na tinatrabaho ko ngayon.

I sighed.

Another broken piece. Another tragic melody.

Natawa na lang ako sa sarili ko knowing I could never bring myself to write anything else. I'm stuck on the same genre, with the same sentiments. Because what else could a broken musician compose but the same broken, melancholic tune.

Wala ng mababago.

"A penny for the musician's thoughts?"

Napalingon ako sa ngayo'y bukas nang pinto ng kwarto ko.

"Hindi kita napansin ah."

Inirapan niya lang ako.

"Masyado kasing malalim 'yang iniisip mo. Hindi ko mahukay, shet!"

Napangiwi na lang ako.

"Language." Paalala ko.

Kababaing tao eh.

"Wow naman si papi! Ano, nagmamalinis? So good boy ka na ngayon, ganon?"

Napabuntung-hininga na lang ako.

"Bakit ka ba kasi naandito?"

"Si Kuya kasi eh!" She shrieked.

Sh*t. Maririndi ako sa tinis ng boses niya.

"At ano na namang problema mo sa kuya mo?" Walang ganang tanang ko habang ginagawa ang trabaho ko.

"He won't let me eat cake!" Reklamo pa niya. At kahit nakatalikod ako sa kanya ay alam kong nanghahaba na ang nguso niya.

What's After "EVER AFTER" [Suga Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon