Pagkababa sa taxi ay tinawagan agad ni Lorraine si Kristine."Babae, nandito na ako sa labas. Sunduin mo ako".
"Ano ba yan, demanding, makikikain na lang ang dami pang utos!"
"Bisita ako remember?, Eh kung ayaw mo, uuwi na lang ako."
"Hoy! Miss maarte, Halika na, pasok!. Ang sabi ni Kristine habang nakadungaw sa labas ng gate.
Ewan ba ni Lorraine pero sa lakas ng ingay na galing sa loob ng bahay nila James mula sa mga bisita ay bigla siyang kinabahan.
Hindi naman kasi siya sanay na makihalubilo sa maraming tao kung kaya nilamon siya ng hiya.
"Nahihiya ako, uwi din ako ha!".
"Ano ka ba, hindi ka pa nga nakakapasok yung pag-uwi na agad ang sinasabi mo. Mag e-enjoy ka promise!, kanina ka pa inaantay ni James".
Wala na ngang nagawa si Lorraine kindi ang sumunod na lamang sa kaibigan.
"Happy Birthday James!". Ang bati ni Lorraine habang inaabot ang kanyang regalo.
"Lorraine!, thank you!. Buti naman nakarating ka". Sagot ni James.
"Eh etong magaling mong girlfriend kasi tinadtad lang naman ako ng mga isang libong tawag at text messages."
"Eh kasi magkukulong ka lang naman sa bahay mo, why not just join us here, mag-e-enjoy ka pa no!". Sabi ni Kristine.
"Oo na". Ang tanging nasabi ni Lorraine.
"She's right, we'll have fun Lorraine. Halika, ipapakilala muna kita sa iba pang mga bisita".
Sumunod si Lorraine sa mga kaibigan patungo sa nag-iisang mesa sa garden ng bahay nila James. Marahil ay nasa loob ng bahay ang iba pang mga bisita dahil parang mga ka edad lamang nila ang mga naka-pwesto sa mesa.
"Ok guys!, I just want to introduce someone to all of you. She's Lorraine, kaibigan ni Kristine from work". Pagpapakilala ni James sa kanya sa grupo habang naka-akbay sa kanyang nobya.
"Nice to meet you Lorraine". They all said in chorus.
"Hi guys, nice to meet you din". She said
"Halika, join us. Upo ka dito sa tabi ko para may makausap ako ng matino. I'm Ava by the way". Pagpapakilala ng nag-iisang babae sa grupo.
She's very pretty, Lorraine thought.
Kahit plain black t-shirt, jeans at walang make-up mapapansin mo pa rin ang ganda ng babae.
She looks nice too ang patuloy na pag a-asses ni Lorraine sa bagong kakilala.
Nahihiya man ay tumabi na rin si Lorraine kay Ava.
"Ikukuha lang kita ng pagkain Lorraine ha, jan ka lang muna. Wag kang mahihiya!". Sabi ni Kristine.
Ngumiti lang siya at tumango.
Tahimik na pinagmasdan ni Lorraine ang mga kaibigan ni James. Sa tingin niya ay matagal na silang magkakakilala base sa pag-uusap at asaran ng mga ito.
Anim na lalaki at isang babae-si Ava, ang bilang ni Lorraine.
Nakakatuwang pakingan ang alaskahan ng mga ito tungkol sa isa't isa. Nakaka-ingit kung iisipin dahil hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan.
Si Ethan lamang kasi ang lagi niyang kasama throughout college. Busy din siya sa part time job at pag-aaral kung kaya't mas pinili niyang ilaan lahat ng free time niya sa nobyo.
BINABASA MO ANG
Her Second Chance
RomansaSecond chance is a rare thing that happens to a few people. Sabi nila pag nabigyan ka ng second chance sa isang bagay you have to grab it. Make sure not to make the same mistakes though or else you'll be doomed... AGAIN.. Pero paano naman sa laranga...