Mika's POV
Ngayon na ang day for try outs sa volleyball and excited na ako for that. Sana lang makasama ako sa team. It would be a great pleasure kung oo. A princess like me, I love being all around. Kahit ano pa man yan. Game ako at hindi ako maarte. Sawa na ako sa kaartehan.
" Mika Reyes" Tawag sa pangalan ko, which means ako na ang sunod. Huminga ako nang malalim atsaka nagpatuloy sa pinapagawa ni coach.
Nang matapos ako ay pumalakpak sila. I smiled in return.
" Ang galing mo, Mika." Puri nila sakin, but I just smiled.
Natapos na ang try outs and bukas daw makikita sa bulletin board kung sino ang mga nakapasok.
Dinismiss kami ni coach at kasabay ko si Ara palabas. I think we'll get along very well, kasi based on her likes and dislikes, yes na yes. I hope matanggap kami sa team. Pero sure ako na tanggap na si Ara. Sa galing ba naman niya, sinong hindi bibilib?
----
The following day ay agad akong nagpunta sa bulletin board at nakasalubong ko si Ara.Tinignan namin yung mga pangalan sa list.
Happily, nakita ko yung pangalan ko na kasunod lang nung kay Ara sa may babang part ng papel. Niyakap ko si Ara nang mahigpit dahil sa sobrang tuwa ko.
Nag celebrate kami at kumain sa labas.
" Sure ka ba na dito tayo kakain?" Tanong ni Ara nang makapasok kami sa isang mamahaling restaurant.
" Yep, dito tayo kakain." Sagot ko sakanya at hinatak ko na siya papunta sa seats na pina reserve ko at umorder na kami.
Nanlaki yung mata ni Ara nung tinignan niya yung menu. Gotchu Ars.
Napasimangot siya at binaba yung Menu. " Order ka na at ako na ang bahala sayo." I assured her.
Mukha naman siyang nagtataka sa itsura niya. Pano ba naman kasi, sobrang mahal ng pagkain dito.
" Baka naman mamulubi ka sakin niyan." Pagbibiro niya at tumawa siya.
" Hindi yan."
" Yaman mo naman yata masyado." Komento niya habang nag bbrowse ng menu. Hindi pa ba siya nakakapili?
Ngumiti nalang ako at tinawag yung waiter para makapag order na kami.
" Tao ka ba? Grabe ka kumain ah? Nakakakilabot." Asar ko kay Ara dahil sobrang dami niyang inorder at parang hindi siya kumakain. Grabe pala appetite nitong babaeng toh.
Nagkwentuhan kami about random stuff habang kumakain then nag bill out na after para makapag move na kami sa dorm the next few days.
" Ingat ka ah? See you when I see you and salamat sa libre." Sabi ni Ara at nakipag beso bago kami naghiwalay ng landas
" Wala yun. Uulitin natin yun best friend." Sabi ko na ikinatuwa naman ni Ara.
She smiled at me and waved bago siya makalayo. Nakauwi na ako sa condo ko and its time to pack up because I will be moving in sa dorm.
Days passed at mas naging close pa kami ni Ara at medyo naging close narin kami sa teammates namin kasi yung iba ay ka block mate pala namin.
Dumating yung araw na nag move in na kami sa dorm and ready for a new chapter in life with my new family/teammates. Masaya ako na nakilala ko sila.
" What's up lovely people?" Sigaw ni Carol. Isa sa teammates namin pero we call her Donkey or Cars .
Kim: Huwag ka nga sumigaw diyan Cerveza at baka sakalin kita Para hindi ka na makasigaw ulit.
Si Kim naman, yan ang setter namin, bully, like me. Kasi nahawa na ako sa kalokohan nila. But they're fun to be with. Kasama sina Cienne and Camille Cruz, AKA Cruz twins, ate Cha, yung ate nung kambal, ate Aby, ate Michele, Cyd, Desiree at iba pa. Marami eh, tiantamad na akong isa isahin. Sorry nalang.
" Huwag niyo naman awayin si Donkey, baka pakainin kayo ng damo niyan." Asar ni Cienne.
" Oo nga, at ikaw Fajardo, tumigil ka sa kalokohan mo kundi mas lalo kang iitim." Bwelta naman ni Camille. Maloko talaga ang kambal na iyan. Kaya ako nahahawa at naloloka sa kanila eh.
Nag make face naman sila at nag asaran.
" Guys, May announcement ako for everyone." Sabi ni ate Cha na mukhang excited.
" Ano naman yun?" Tanong namin.
" First, this is done every year. Which means bawat season ay may ritual and walang exception." Paliwanag ni ate Michele. Nakakatakot naman yung ritual na sinasabi nila.
" You will have to hug a guy from the basketball team for five minutes. Pagkatapos pasok na pasok ka na sa team. Ang umangal ay aalisin sa team. Alam ni coach Ramil toh and payag siya." Paliwanag ni ate Wensh.
Napatango naman kami kasi no choice at mahalaga samin ang makapasok sa team na toh.
" Any questions?" Tanong ni ate Liss.
" Gwapo ba sila?" Tanong ni Camille kaya nabatukan siya. Ang harot kasi ng babaita.
" You'll have to find out yourself." Sabi ni ate Aby at nagsi alisan sila at naiwan nalang ay kaming anim na nakatulala.
This will be hard for me. I have to hug a guy. Not just a guy, kasama siya sa basketball team so nakaka pressure.
Ano kaya magiging reaction nila pag niyakap namin sila?
A/N: Sino dito ang team JeMik or ThomAra??