Chapter 2

25.8K 621 30
                                    

WARNING SPG!

__Belleyel's POV__

NAPAMULAT ako nang masinagan ng nakapikit kong mata ng araw. I groaned and turned my head to the side as I struggled to open my eyes. Hinila ko yung kumot ko at inangat yon para ikumot pa sa sarili ko ng maigi. Babalik na sana ako sa pagtulog ngunit hindi iyon natuloy nang maalala ko kung ano ang nangyari kagabi.

Nanlalaki ang mga matang bumangon ako at nilibot ang paningin sa silid kung nasan ako. Nagtaka ako nang makita kong nasa condo ko na pala ako.

Tinignan ko rin ang suot ko na damit at nakita kong naka-night gown na pala ako.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa sarili ko at tumingin sa bintana kong bukas. Kumunot yung noo ko nang makita ko na ang laki ng pagkakabukas no'n.

Hindi ako yung tipong hinahayaang bukas yung bintana ng kwarto niya kaya agad akong tumayo at tinungo yung bintana nang may maalala ako patungkol sa nangyari sa akin kagabi. My body trembled as the images of yesterday came flashing back in my mind.

My professor just tried to rape me last night. Napaupo ako sa kama at tinignan iyon, base sa kumot at laki niyon ay nasa kwarto ko naman ako, this is not a strangers bed.

Pero paano ako nakapunta rito? At saka paanong nakabihis na ako kaagad?

Saka ko lang napansin ang uniporme ko na nasa may lamesa ko. Dali-dali ko yong nilapitan at ininspeksyun. Something caught my eye. There is a red stain on my collar and the torso part. And I realized that, that stain is blood.

Nanlalaki ang matang pinakaramdaman ko ang gitna ng hita ko. Did I really lose it?

Bumalik ang paningin ko sa uniporme upang kumpirmahin kung ito nga ba ang nasa kamay ko. I wasn't hallucinating, these were my uniform, blood-stained...and undressed from my body.

I woke up with my pajama on and with my uniform off. Who did this?

And what happened last night?

PUMASOK pa rin ako sa school kahit na parang ayaw ko dahil sa pagtangkang paggahasa sa akin ng professor ko. Nirerespetong guro ko pa naman si Professor Pascual pero dapat pala pandirihan ang isang tulad niya. At bago pa siya makakabiktima ng ibang students ay ire-report ko na siya sa mga pulis.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita kong nagkumpol-kumpol yung mga kaklase ko sa labas ng school namin. Naririnig ko rin ang sigawan nila at pag-iyak nila. May mga ilang nagsusuka at yung iba ay halos hindi na makagalaw.

Kumunot yung noo ko at pumunta doon sa direksyon na iyon.

"Oh my gosh! Belleyel! You should see this!" Nakita ko si Real sa mga nag-kukumpolang mga tao doon at hinila niya ako. Nagpatianod ako sa paghila niya.

"Ano bang—" Nanlaki mata ko nang makita ko na ang gustong ipakita sa akin ni Real.

Professor Pascual was now lying on the ground, lifeless. At naliligo siya sa sarili niyang dugo. Ngunit hindi iyon ang nakakagulat. Ang nakakagulat ay ang paraan ng pagkapatay sa kanya.

Nakakapanindig balahibo nang mamataan ko na ang ulo niya na nakahiwalay sa katawan niya, nakalagay ito di kalayuan sa nahiwalay nitong katawan. Ang ulo at panga nito ay warak na warak, duguan din ang mukha nito. At makikita mo rin sa napunit na laman ng leeg niya ay malalaman mong hindi hiniwa ang ulo kundi ay sapilitan lang na inalis. Nakita ko rin ang madaming saksak sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya at sa palagay ko ay lahat ng ito ay sobrang lalim.

Naputol-putol rin ang dalawa niyang kamay at ang isa niyang paa. Nanlaki mata ko nang makita ko ang dugo sa maselang bahagi ng katawan niya at ang putol niyang ari.

When The Beauty Hides, The Beast SeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon