Warning SPG!
__Belleyel's POV__
NITONG mga nakaraang araw ay parang wala ako sa sarili, siguro'y sa takot na baka balikan ako ng lalaking iyon. Noong una ay kalmado pa ako dahil inisip ko na hindi kami muling magkru-krus ng landas.
How can I forget? Fate can be tricky in many ways.
"Belle?" Kumislot ako nang bahagya akong tapikin ng mga myembro ng drama club. Tumingin ako kay West na nagtatakang tumingin sa akin.
Halatang ako na ang may dapat banggitin na line pero dahil lumilipad ang utak ko ay hindi ko na namalayan ang nangyayari
"Nawawala ka Belle."
Puna ng direktor namin na kaklase ko lang, halatang naiinis ito sa akin dahil nasira ko ang praktise. Kinagat ko ang labi ko dahil lahat sila ay nasa akin na ang atensyon.
"S-sorry." Nasabi ko nalang na ikinailing niya. "Hindi na mauulit."
"Okay 15 minutes break!" Utos niya sa iba naming kasamahan. Lumingon siya sa akin. "Dapat bumalik kayo pati na rin sana ang atensyon mo Bell."
Bumuntung-hininga ako saka tumango. Paalis na sana ako pero bigla akong hinawakan ni West sa balikat. Paglingon ko ay ang nag-aalala niyang mukha ang nabungaran ko.
"You okay Belle?"
Tumango ako. "Oo, may iniisip lang ako."
Tinitigan niya ako na parang inaalam kung ano ang nasa isipan ko.
"Come." Sabi niya saka hinila ako pababa ng stage. At lumabas sa Drama Studio. Tumigil kami sa canteen. "Anong gusto mong kainin?"
Napatingin ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa harap at um-oorder.
"Ililibre mo ba ako?"
Tumawa siya bigla sa tinanong ko. "Ang sama ko namang manliligaw kung hindi kita ililibre! Haha!" Namula ako sa sinabi niya. Oo,nanliligaw sa akin si West. Kahit pa sabihing hindi ako pumayag. Nagpumilit pa rin talaga.
Nakita ko rin ang mga kaklase ko na kinikilig habang nakatingin kay West. I rolled my eyes, siya na ang heartthrob. Akala ko hindi naman talaga totoo iyon, na may isang lalaki na kasali sa isang club, na pogi at may mga babae sa background ang nahuhumaling sa kanya. Heartthrob.
Nang maka-order na kaming dalawa ay siya na ang nag-dala ng tray at inilapag sa bakanteng table. Yung tipong pang-dalawahan lang at malayo sa iba. Kasi nga ako ang napansin ni Campus Heartthrob, kaya halos patayin na nila ako sa pagkakainggit nila.
"Belle why aren't you eating your food? Ten minutes nalang at magre-resume na yung practice natin." Untag sa akin ni West dahil nakatulala na naman pala ako. Binaba niya yung kinakain niya at hinawakan ang kamay kong nakalagay sa lamesa. "Hey...what's wrong?"
Umiling ako. "Nothing. Just...day dreaming?"
He smiled and put his hand on his jaw as he look at me.
"What were you day dreaming about? Hindi naman yata ako yung prinsipe doon diba?"
Natawa ako saka sumubo ng pagkain. Medyo makulit at makapal ang mukha kasi ng gwapong lalaking ito. He knows how to make me laugh sometimes.
"But I'am definitely not the princess."
"Don't say that." Napaatras ako nang unti-unting lumalapit sa akin ang kanyang mukha. "You are definitely my princess."
I shook my head disapproving about his statement. "If I would be the heroine of a story, then that will be a tragedy."
Kumunot yung noo niya saka mataman akong tinignan. Para bang nagtataka siya kung bakit ako ganon mag-salita.
BINABASA MO ANG
When The Beauty Hides, The Beast Seeks
Romance"I don't care if it's a sin to steal an angel from heaven, Belle. I will break through the gates of heaven where you hide, and I who dragged the chains of hell will seek for you." He is my obssessive and possessive kidnapper which at first frightene...