Chapter 4

19.8K 436 1
                                    

__Belleyel's POV__

HINDI ako makatulog. Ang dami kasing bumabagabag sa isipan ko simula nung araw na iyon. It's been three days since that day when I see the man with the black eyes. It was the darkest eyes I have ever seen.

I choosed to keep my mouth shut from what I saw. I don't want to create any trouble.

Tama ba yung ginawa kong pananahimik?

"Belle, Matulog ka na." I heard Snow say in a tired way. "Bukas mo na asikasuhin yung problema mo. Matulog ka na..." Umiling-iling ako kasi nag-punta pa talaga siya dito sa kwarto ko para sabihin lang iyon.

Tumingin ako sa kanya at bahagyang iniangat ang ulo saka nangalumbaba.

"Wala ka sigurong problema noh Snow?"

She rolled her eyes. "Madami akong problema. Inaatok na ako para problemahin pa iyon."

Sometimes, I admire Snow. She could forget that the world is problematic for a minute. She could pretend that it doesn't exist by being childish who only cares about is how she could get a good night sleep. The perks of being a carefree, I should say.

"Belle..." I looked at her. "I let you in some of my secrets. Sleep, and you'll forget all about it."

"Oo na! Matulog ka na rin Snow." Sabi ko na lamang habang natatawa ng marahan.

"Oo matutulog na talaga ako at may bubogbugin pa ako bukas!" Sabi niya saka nag-hikab. Pagkasabi niya non ay sinara na niya yung pinto ko. Kaya pumikit na ako pagkatapos ko i-play yung music ko sa cellphone ko. Buti nalang talaga at nakatulog na ako.

Kinabukasan, naging abala ako sa pagre-rehearse ng drama namin sa drama club. Yung ia-act kasi namin ay yung Romeo And Juliet. A tragic story by Shakespeare.

At ako naman ang napiling gaganap kay Juliet Capulet at is West naman ay si Romeo Montague. Sabi nila bagay daw kasi namin yung role kaya kami yung napili.

Hindi na ako nagmatigas pa, wala ako sa lugar para magmatigas pa dahil hindi naman ako ang lider. I should know my place, and that is to keep my mouth shut and compromise, and compromise.

Nang natapos ang isang oras ng aming pageensayo ay nag-lunch muna kami. Kasama ko si West. Sa lakas ba naman ng pagkakadikit ng dikit nito sa akin ay hindi pa ba kami magiging malapit niyan?

"So, my Juliet." Nilingon ko si West nang akbayan niya ako, natatawang inalis ko lang sa balikat ko yung kamay niya.

"What?"

Ngumiti siya saka tinitigan ako. "Hey! Treat your Romeo a little nicer!"

Nangusilap ako saka pinaglaruan sa kamay ko ang naka-tuklip na dress na susuotin ko bilang si Juliet.

"Alam mo?" Nilingon ko siya nang magsalita siya. Doon ko lang na-realize na ang lapit na niya pala sa mukha ko na halos ikaduling ko na. "Gusto kong makitang suot-suot mo 'yan."

I gigled as I felt him whisper in my ear, it tickles me.

Lumipas ang ilan pang araw at unti-unti ko nang nakakalimutan yung tungkol sa tagpong iyon. My mind is occupied about the play. Masaya din pala d'on sa Drama Club. Mga kakilala ko na rin kasi ang mga nando'n. That is part of life, you meet someone, befriend with them, had fun with them, quarrel with them that will 'cause you to separate.

Tragically true.

That's why I lived my life like I wanted to.

Nakangiti ako habang pauwi ako. Hawak ko naman ang ilang papel sa isang kamay ko para sa kakabisaduhin kong script. Wala namang katao-tao kaya in-act ko na ang isang line doon na ginawang moderno ng mga ka-club ko.

When The Beauty Hides, The Beast SeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon