The Lair

111 6 3
                                    

I'll try to update sooner for Christmas! 😄

The updates might take a while 'cause I have a life too😘

•*•

Alizcia POV

Nararamdaman ko ang pagalog-alog. Gustong gusto kong sigawan kung sinoman ang may gawa non ngunit di ko na maidilat ang aking mata. Ni hindi ko na rin maiangat ang aking ulo sa sobrang panghihina dahil sa mga sugat ko, pagod sa pagtakbo at gutom.

Doble na rin ang paningin ko dahil nakapatiwarik akong isinakay ng nakahuli sa akin sa likod ng sinasakyan naming kabayo. Kung may kabayo ngang may balahibong kasing kapal ng buhok ng tao.

Di ko na talaga alam kung nagiging delusional na ako sa gutom o talagang may buhok itong kabayo. Nararamdaman ko na din ang kirot ng mga sugat ko, lalo na ang sa tagiliran dahil may kalaliman din ang sugat ko doon.

Pinakiramdaman ko din ang mga bumihag sa akin. Tahimik lang ang mga ito. Hindi ko padin alam kung anong ayus ng mga ito dahil sa sobrang hilo ko ay nanlalabo na ang paningin ko, dagdag pa ang pagod ko sa pagtakbo. Maaring grupo ng tribo ang mga ito na nangangaso.

Iginalaw ko ang nangangalay na braso ko sa pagkakatali dahil sa sobrang higpit pakiramdam ko ay di na dumadaloy ang dugo ko sa braso.

Unti unti ay nagdidilim na ang paningin ko. Sa huli ay hinayaan ko ng mamahinga muna ako.

••*••

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng lamig. Ipinikit pikit ko ang aking mga mata. Masama na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko na rin maramdaman ang mga braso ko sa sobrang pagka-ngalay.

Nakikita ko ang mga bato at halaman sa paligid at lahat ay tila doble ang pagkakatingin ko. Nakapatiwarik padin ako. Mukang ilang oras na din kaming nag lalakbay dahil nagdidilim na.

Bigla ay nakaramdam na naman ako ng lamig at naramdaman ko din ang pangangasim ng sikmura ko.

Napapaduwal ako. Gusto ko sanang ipahinto muna sandali ngunit alam kong di nila ako maiintindihan. Isa pa'y wala na din akong lakas para makiusap sa kanila. Nararamdaman ko na sa lalamunan ko ang pait. Sunod sunod na pigil ang duwal na nagpipisig ako.

Bigla naman huminto ang sinasakyan namin.

Nagpipipisig ako upang makababa ngunit naramdaman ko ang mainit na paglatay sa mga binti ko.

Napahinto ako sa pagkabigla sumunod ay ang napakahapdi at sobrang kirot sa binti ko.

Sa ginawa nila ay napalitan ng sakit ang kanina ay pagduwal ko. Ngunit di ko rin napigilan ay nasuka na ako habang naka patiwarik padin sa kabayo.

Halos wala akong maisuka dahil hindi pa ako kumakain, ni hindi pa ako umiinom mula ng makapasok ako dito.

Sa ginawa kong pagduwal ay tila lalong nagalit ang mga ito.

"Daqiil! Hadunal livia! Hasunii anii! Tapaik!"

Naramdaman ko ang sunod-sunod na paglatay sa akin. Pigil ko ang hininga ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto kong sumigaw sa sakit ngunit pigil na hikbi lang nagawa ko dahil hindi ko na alam kong pano ang gagawin ko sa sobrang sakit. Pigil ko ang hinga ko sa bawat paglatay sa binti ko. Nararamdaman ko ang pagpunit ng balat ko mula sa laman. Hindi maipaliwanag ang sakit na dinaranas ko.

"Hadii naluh! Dunavi kiilan!"

Pigil ko padin ang paghinga dahil sa sakit. Ramdam ko ang pag agos ng aking mga luha ngunit hindi ko magawang gumalaw sa sakit.

Naramdaman ko ang pagtali sa aking mga paa. Pagkatapos ay bigla akong pwersahang hinila pababa.

Rinig ko ang lagatok ng katawan ko ng humampas ako sa lupa sa ginawa nilang paghila sa akin pababa ng sinasakyan ko kanina. Lalo akong napaluha sa dinaranas ko. Di ko na alam kong anong sakit ang papakiramdaman ko.

Love, Spells & PotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon