Love, Spells & Potions

892 26 3
                                    

WARNING!!!

All the characters and places in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely invention.

Reproduction or usage of this work or in part in any form in other means or in any information storage or retrieval system, is forbidden without the permission from the author.

Author
Hi readers. I just want to warn everybody to be cautious and aware that this story have so many errors, wrong spellings and grammars and not even edited. And, just like other amateur authors " I'm not perfect".

Enjoy reading!!! :)

Ps: Pictures/Photos used in this story aren't mine. Credit to the owner.

****** PROLOGUE******

Napasinghap ako ng marinig ko ulit ang kakaibang dagundong ng kulog sa madilim na kalangitan ng gabi. Tila hindi na iyon normal sa pangkaraniwan.

Napatingala ako. Gumuhit ang tatlong  kidlat at tila naguunahang matamaan ang lupa.

Napakurap ako at kinakabahang kinalong kong mabuti ang aking anak.

"Hindi maaari ito."

Nakarinig ako ng kaluskos di kalayuan sa amin. Napasinghap ako at nagmamadaling ipanagpatuloy ang pagtakbo.

"Patawarin mo ako anak." Bulong ko sa aking kalong na sangol.

Hindi ko napigilan ang luha ko sa aming sitwasyon. Sa bawat hakbang ng aking mga paa ay tila naman pagbigat ng aking kalooban.

Napa hikbi ako. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa lugar na aming pinanggalingan. Panay pa din ang tulo ng mga luha ko.

Sa aking mga nanlalabong mata sanhi ng butil butil na luha ay muli kong sinulyapan ang malaking sunog na tumutupok sa palasyo.

"Oldix." Pahikbi kong sabi at napapikit ako sa halong takot at pag aalala para sa aking asawa.

Mas lalo akong nanlumo ng makita ko kung pano gumuho ang kabilang bahagi ng palasyo at lamunin ng apoy.

"Oldix." Bulong ko habang naka tingin sa palasyo.

"Oldix...mahal ko." Nanlulumo kong sabi at kahit sa nanghihinang sitwasyon ko ay ipinagpatuloy ko ang pagtakbo kasama ng ala-ala ng huli naming paguusap.

**(Flash Back)**

"Maia. Mahal ko. kailangan nyo ng tumakas. May naghihintay sa inyo sa dulo ng kakahuyan."

Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata at paghihirap ng kalooban ng tumulo ang kanyang luha .

"Hindi" umiiling kong sabi."hindi kita ma aaring iwan dito. Sabay tayong aalis." Kumapit ako sa braso nya at nag mamakaawang tinignan sya.

"Oldix... s-sabay tayong aalis." Lumuluha kong sabi at hinigpitan ko pa ang kapit ko sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko.

Yinakap, at hinalikan ang sanggol na kalong ko.

Love, Spells & PotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon