40
Chapter 40
Cazz's POV
Nagtayuan na ang mga classmate ko nung pag karinig na pag karinig ng bell at naglabasan na kahit hindi pa tapos ang lecture namin. Mga bastos na bata. Uh-oh.
Nakigaya na lang din ako at lumabas na. Nagpaalam na ko sa kambal kasi nag hihintay sa labas si Manong.
Nanakbo na ko ng parang biglang dumilim yung dinadaanan ko at nawala ang lahat ng student.
OMG~! B--bakit? A-ano 'to?
Tanong ko sa isip ko kasi walang lumalabas sa bibig ko.
Naglapitan sakin 'tong mga lalaking ito. Kasabay nun ang mga kung ano anong nagliliparan at mga gumagapang!
Malapit na sila sakin ng biglang pumasok sa isip ko ang word na TAKBO!
Dali dali naman akong tumakbo!
Wtf!
Takbo lang ako ng takbo na parang walang hanggang ang aking tinatakbo.
Ano to?
"Princess?"
"Princess!"
"Princess wake up!"
"Huh?" pagtataka ko ng makita ko si Micko sa harap ko. Nakahiga ako sa sa lapag ngayon.
"Anong oras na Micko?" tanong ko agad tsaka umupo.
"It's already 7:00 pm. Bakit nandito ka pa?"
"I dunno, alam ko paalis na ko kanina pa pero bakit ganon? What happened?" taka ko.
Napailing na lang sya.
"Eh bakit ikaw? Nandito ka pa?" tanong ko tsaka ako tumayo.
"Ah--- may ginawa lang ako. Halika na, baka hinihintay ka na ng sundo mo." Inalalayan nya ako sa pagtayo ko at naglakad ng makita ko si Manong.
"Miss Cazz! Kanina pa po kita hinahanap. San ka po nanggaling, kanina pa po nag aalala sila Meme sa bahay."
"Sorry po. Nawalan po ako nang malay." sabi ko tsaka binigay kay manong ang bag ko.
"Ah Micko sabay ka na." yaya ko ng pumasok na sa loob ng sasakyan si manong.
"No thanks Princess."
"Are you sure? Hmm thanks nga pala kanina."
"Ah yes. No problem. Tungkulin ko yun."
"Ha?"
"Wala." sabay bukas nya ng pinto at tulak sakin papasok sa loob ng sasakyan.
"Sige na, bye. Ingat ka."
"Ingat ka palagi Princess."
Nag paandar na si manong ng sasakyan at umuwi na kami.
"Miss mag iingat ho kaya ha. Sige po pumasok na kayo sa loob."
Tumango na lang ako at dumiretso na sa kwarto. Wala na kong ganang kumain. Psh. Ingat? Para namang mamamatay na ko, what's wrong people? -______-"
"Jazz." bulong ko at nakatulog na ko.

BINABASA MO ANG
He is not a Superman
Teen FictionA story between friendship and love. Entitled: My bestfriend my fiance is a casanova and a gangster (Before)