Chapter 55:
Lumabas na kami sa kwarto makalipas ang 29928278012595 years kasi gutom na kami! Mamaya kung ano or SINO na makain namin. Hahahah kidding, we know our limitation kaya.
"Cazz san ka galing?" Tanong nila Ann. "Oh? Hi Jazz. Alam na pala namin. Sige dun muna kami sa birthday boy." Tumango naman yung iba at mabilis umalis.
"Problema nila?" Tanong ko.
"Wag mo na silang intindihin at gutom na ko. Baka makain kita dyan eh." Hinampas ko naman sya, mamaya baka may makarinig. Nakakahiya.
"Ay wait, kumain ka na lang muna dyan ha. Busog pa pala ko." Sabi nya sabay takbo.
"Ewan ko sayo." Bulong ko at kumuha na ng food at tumable kina Ann.
"Where is Jazz?"
Tanong nila.
"Umalis, kala ko ba ke Bonus kayo pupunta?"
"Gusto daw nya mag isa eh. Yung batang yun talaga umasta kala matanda pa satin. Kung nakita mo lang itsura kanina, mukhang brokenhearted!" Sabay tawanan nila.
"Wag nyo na lang pansinin yun." Sabi ko at kumain na lang.
"Sound check! Sound check."
"Oh? May magpeperform pala." Sabi nila habang ako kumakain at nag iisip.
"Good evening po sa lahat ng tao dito sa birthday celebration ng kapatid kong si King Bonaparte. *coughs*----"
"Caaaaazzzz si Jazzzzz ang nagsasalita!" Sabi na eh! Nag stop muna ako kumain at tumingin sa stage, sila mommy, daddy, Tita Pat at Tito Peter ay na stop din sa pag ientertain ng bisita. Ultimo si Bonus ay tumakbo sa unahan.
"Una po sa lahat, nag papasalamat ako sa pag punta nyo sa birthday ng kapatid ko. Pangalawa dahil, muli, nagkaayos ang pamilya namin. At pangatlo dahil sa babaeng minahal ko noon, mahal ko ngayon, at mamahalin ko pa sa mga susunod na minuto, oras, araw, buwan at taon---" napangiti ako sa sinabi nya. "Dahil birthday ng kapatid ko, hindi ko sya kakantahan." Sabay turo nya ke Bonus."Oy bubuwit, may regalo na ko sayo ha, kaya no need ng mag effort pa ko sayo. So, *tingin sakin* para sayo 'to, Princess Jazzmine Ansherina."
BINABASA MO ANG
He is not a Superman
Teen FictionA story between friendship and love. Entitled: My bestfriend my fiance is a casanova and a gangster (Before)