Chapter: 42:
May nakahawak sa kamay ni Micka na nasa harap ko at may nakahawak din sa likod ko at hinila ako ng bahagya paatras.
"Tsk. Tsk. Wag kang magkakamali Mickaela dear."
Sabi ni Jazztine kay Micka sabay tanggal ng kamay nya mula as pagkakahawak sa kamay ni Micka.
"Let's go." sabi ni Andrew at hinila ako paalis dun.
"Guys, simpleng away lang ng magkaibigan yun." sabi ko ng nasa may quadrangle na kami nakaupo sa may bench.
"Simple?" tanong ni Jazztine habang nakatingin sa phone nya.
"MAGKAIBIGAN?" tanong naman ni Drew habang nakatingin sakin kaya naman tumango ako.
"Stay away from her Princess."
"Mi--- Micko?" napatayo ako ganun din sila Drew
"No, you stay away from her, Weirdo." sabi ni Jazztine.
"Guys ano ba? Hindi ko kayo maintindihan!" naguguluhan sabi ko.
"Princess, I'm sorry."
"For what?" tanong ko.
Pero hindi na muli syang sumagot at nagsimula ng lumakad palayo.
"Guys wait lang ha." sabi ko at hinabol si Micko, pinigilan pa ko ni Drew pero hindi pwede. I need to know something.
Something weird is happening here.
"Micko. Ano ba talagang nang yayari?!"
Nagulat ako ng hawakan nya ang mga braso ko at nagsalita na.
"Stay away from Micka, masyado syang delikado ngayon. May masama syang balak sayo nang malaman nyang ikaw yung fiance ni Mr. Lee. I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi, ngayon ko lang din kasi nakitang maging masaya ang kakambal ko. Akala ko magiging okay ang lahat pero nagkamali ako. I'm sorry Princess. Please patawarin mo ko." Lumuhod sya sa harap ko at nakatingin sakin.
"Anong mangyayaring masama ang tinutukoy mo?'
Mahinahong tanong ko.
"We're a son and daughter of a well-know witches, who's using a black magic. Maraming pwedeng mang yari sayo. So please, stay away from her."
Napatulala ako. Witch? Black magic?
Sorry pa din nang sorry si Micko sa harap ko at ako naman ay naiiyak na.
"Micko, kung pwede lang tulungan mo na lang kaming mawala si Cazz sa spell ng kakambal mo." narinig kong sabi ni Drew at niyakap ko sya.
"Drew. I'm scared." sabi ko at naiyak na ko ng tuluyan. Nakaharap ako ngayon sa likod, at tanaw kong nag uusap si Jazztine at Jazz....... Nagkatingin kami.
Lalong tumulo ang mga luha ko.
"We're here Cazz." sabi ni Drew.
Nakatingin pa rin ako ke Jazz ng biglang bumaling ulit ang tingin nya ke Jazztine at tuluyan ng umalis.
"Darling wait!" maririnig ang matinis na boses ni Eunese na humahabol ka Jazz.
Nagbitaw na ko ng yakap ke Drew at nag plano na sila, kami laban kay Micka.
BINABASA MO ANG
He is not a Superman
Novela JuvenilA story between friendship and love. Entitled: My bestfriend my fiance is a casanova and a gangster (Before)