Ayesha POV
Andito ako ngayon sa cafe na malapit sa bahay namin... Boring kasi sa bahay ehhh... Wala akong magawa kaya eto ako ngayon sa cafe at nagbabasa ng love story.. Haha... Bukod kasi sa pagiging nerd ko... Hopeless Romantic pa ako..
"Ouch naman... Paasa si boy.. Kawawa naman si girl"
Hehe para akong ewan dito na kinakausap sarili ko... Masyado kasi akong naaapektuhan sa pagpapaasa ni boy kay girl... Feel na feel ko pa ang story ng may bwisit na hinayupak ang nakabangga sa akin kaya nahulog yung book na binabasa ko.."Ouch! Leche ano bang proble---" Hindi na ako nakapag salita nung nakakita ako ng mala adonis na mukha na nasa harapan ko.. OMG!! He's so wafu!
" Tsk! Ano?? Natulala ka na sa kagwapuhan ko??" nag-smirk sya bago magsalita"Alam mo miss hindi naman nakapagtataka kung natapunan kita kasi naman.." nilapit nya sa tenga ko ang mukha nya at saka sya bumulong" Mukha ka talagang basurahan" WTF!!.. Tumalikod na sya at nagsimula ng lumakad palayo pero syempre papalag ako.. Wala akong pakialam kung gwapo sya, nagkamali sya ng binangga, para saan pa at tinawag akong Amazona Queen..
" Tsk.. Akala mo naman ang gwapo, mukha naman syang unggoy na nakawala sa hawla" lumingon sya at tiningnan ako ng masama.. The hell I care.. Hindi ako natatakot sa kanya.. I also glare at him.. Deadly..
" Ako ba ang sinasabihan mo?!" he growl..
" Ayyy.. Hindi, hindi ikaw.. Yung damit mo.. Hoy! Damit mukha kang unggoy!"
"Buti naman at nilinaw mo." tumalikod na ulit sya at naglakad palayo.. Seriously??
"Alam mo ang katangahan iniiwan yan sa bahay hindi pati dito dinadala mo pa yan."humarap na naman sya and I gave him a playful smile because I know it will tease him up and I'm correct.. Sa itsura pa lang nya mukhang any moment magwawala na sya..
"At ano naman ang pinapalabas mo huh?" seriously? Daig nya pa babae kung makapag taas ng kilay..
" I am saying that you are just nothing but a jerk.." nagtaas din ako ng kilay at saka ako lumapit sa tenga nya at bumulong "And I am being sorry for you that you mess up with the goddess of beauty and at the same time.. The goddess of hell" ngumiti ako ng nakakaloko at saka ko tinapakan ang paa nya and take note naka heels pa ako.. Pinulot ko yung book ko and then I flip my hair and walk out with my chin up.. Haaha.. Ayun iniwan ko sya dun na namimilipit sa sakit.. Ahahah... That's what he gets from messing with me..
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Kurt POV
Andito ako ngayon sa bahay ni Louis kasama sina Bryce, Alex, Jherome and Harvey. Kanina ko pa iniisip yung babae na yun. Pakshet! ngayon lang nangyari yun sakin pero yun naman talaga inaasahan ko sa kanya. Marami na akong nababalitaan tungkol sa isang babaeng maganda, matalino at higit sa lahat may kakaibang lakas na tinatawag na "amazona queen" which suits her well kasi napakatapang nya leche!! Pero I need to know her well kasi medyo interesting sya.. Medyo lang naman hahahaha... Kung sya ang amazona queen well tingnan natin kung may laban sya sakin, the BAD BOY KING! Hahahahaha... Wait and lets see kung hanggang saan ka...
"MAY SUNOG!!!!" sigaw ni Jherome.. Taena automatic na gumalaw ang kamay ko at pumunta sa mukha nya.. Napadapa naman sya eh malay ko bang mapapalakas yung suntok ko eh..
" Ooopppss.. Hahaahah bagay lang sayo yan! hayop na to sabi sa inyo wag kayong nanggugulat at nananapak ako eh." casual na sabi ko sa kanya.. Sinamaan naman nya ako ng tingin.. What?! Kasalanan nya yan..