Ayesha POV
Andito ako ngayon sa kwarto ko at nakikinig ng music...
Ang sarap ng bu---"HOY!! Sino ang siraulong hayup na gusto na yatang mamatay ang bumato ng unan sa akin!!"sigaw ko at tama nga ako.. Hayup nga ang bumato sakin.. Well tao naman sya, hindi lang halata.. Hahahhaah....
"Sa gwapo kong to!!! Sabagay ako nga naman ang pinaka gwapong hayop na nabuhay sa mundong ito.. Haha!!" anla sabi na eh, noon pa man alam ko ng takas sa mental tong kapatid ko..
"Sabihin mo nga, ilang page ba yang mukha mo at napaka kapal!!" kumunot noo nya sa sinabi ko. Bakit totoo naman ahhh.. Talo pa dictionary sa kakapalan ng mukha ng mokong kong kapatid.
"Hindi makapal mukha ko,sadyang gwapo lang ako... Pero mabalik sa usapan, tawag ka ni mama... Bumaba ka na daw agad.."hayyyyy... Nagyabang na naman ... Teka bakit kaya ako pinapababa ni mama at saka ano kaya ang pag uusapan namin??
Sya ay si Mark Quijano , my loveable kuya. Charot!! Sya ang bwisit sa buhay ko. May dalawa syang katauhan: masungit at seryoso sa school pero makulit at palabiro sa bahay. Sya ay kilala sa school bilang Dakilang playboy at kilala sya dito sa bahay bilang Dakilang epal.. Oh diba sya na may multiple personality.
Nakaka-concious naman ito kasi habang bumababa ako sa hagdanan ay nakatingin sa akin sila mama at si Kuya. Bakit kaya ganito sila makatingin sa akin? Wala pa naman akong nagagawang kasalanan ahhh.... Wala pa pero baka one of these days makagawa ako eh paano ba naman malapit ng magsimula ang pasukan. Hahhahahah... I admit na boyish ako at sinasapak ko ang mga bastos na lalaki na dumidikit sa akin kaya nga ang tawag nila sa akin eh Amazona Queen..
"Mama bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko habang paupo sa sofa namin sa sala...
Ngimiti muna sa akin si mama bago ako sagutin..
" Anak.... Napag isip-isip ko na ilipat ka sa school na pinag-aaralan ng kuya mo para mabantayan ka niya""What!?" sabay kami ni kuya..
"Mama, baka ipahiya nya lang ako sa school kapag lumipat sya doon!" pagtutol ni kuya.
"At paano naman kita maipapahiya aber?" tanong ko
"Bukod sa pangit mong mukha..." What the hell!!
"Idagdag mo pa ang pagiging boyish at ang pananapak mo.. Siguradong sira na ang buhay ko kapag lumipat ka sa school namin!!""HOY!! Tukmol kong kapatid... Kung pangit ako, ano nalang tawag sayo..... Wala na ngang salitang makakapag-define ng mukha mo sa sobrang pangit mo!! At saka yung pagiging boyish ko? Haha wala ka ng pakialam dun! Tapos yung pananapak ko?... Kapag hindi ka tumigil sa pagiging kupal mo... Mukha mo na ang masasapak ko!! Tiyak na lululunin mo kamao ko!! Bwisit!!"
"Anong sabi mong halimaw ka!! Ako pangit?!.. Hahhaha... Sa dami ng babae sa mundong ito.. Ikaw lang ang nakakakita ng sinasabi mong kapangitan ko kasi sa sobrang gwapo ko.. Lahat halos ng babaeng madaanan ko... Tumutulo laway.." What the fudge!!
"Ahhhhh talaga?!"
"OO!!"
"Tama ka nga naman ako nga din ehhh... Kaso sakin hindi ata laway ang lalabas sa bibig ko... Baka MASUKA pa ako!!"
"Oo masusuka ka talaga... Sa baho ba naman ng hininga mo ehhh... Alalahanin mo... Malapit sa ilong mo ang BUNGANGA mo!!" ANG KAPAL NG MUKHA MONG TUKMOL KA!!
"Hindi naman na kailangan pa na amuyin ko ang bibig ko.... Dahil sa nakikita palang ng mata ko.. Kotang kota na ako..."
"ANONG---"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nya dahil sumabat na si mama....
"TAHIMIK!!" Natahimik naman kaming dalawa ni kuya... Nakakatakot talaga si mama kapag nagagalit.. Huhu..
"Mainam naman at natahimik din kayo.... As I was saying .... Lilipat ka na Ingrid sa school ni Mark at wala na kayong magagawa doon.. My decision is final!"
What the hell!! Oh yes... I'm gonna be in hell kapag nakasama ko si kuya sa iisang school... Araw- araw na trouble yun... Aamin ko na na pagdating sa school... Isa akong tahimik, loner, iwas gulo, mahinhin at nerd... Pero sa oras na makasama ko si kuya... Tiyak na magiging mahadera at warfriek na naman ako... Ayoko pa naman sa lahat ang napapansin ako...
"Hindi ba maganda ito para sa inyong dalawa??" ohhh mom... You must be frieking joking me..."Mababantayan mo Mark ang kapatid mo at mababantayan mo naman Ingrid iyang kuya mo sa pagiging basagulero at babaero nya??"
Hmmmm... Count to think of it... Maganda nga iyon... Hahhahaha.... Be ready Mr. Mark Quijano.. Because I'm gonna make your life a living hell... Bwahahhahaha.....
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Author's note:
Gosh... Ano sa tingin nyo ang mangyayari sa next chapter??Wahhhhhhhh!! I'm so excited!!
Hahahahahahahhaa... Nakaka-excite naman ito....