Heartbreak and Tears

9 0 0
                                    

After five years he still the man I love, kahit na wala na akong balita sa kanya.

I still keep him in my heart.

Kahit na inabanduna nya ko  matapos akong makulong...

gusto ko pa din syang makita...

Umaasa pa din ako na kahit konteng feelings may nararamdaman pa din sya sa akin..

+++++++++++++

I dont know kung pano muli magsisimula ang natitira nalang ngayon sa akin ay ang maliit na bahay kung saan ako lumaki at nagkaisip kasama ko pa noon ang aking ina. Malayong malayo na ito sa dating masayang bahay na kahit tuyo lang ang ulam punong-puno ng pagmamahalan.

Nakita kong muli ang letrato namin ng aking ina. Kinunan ito noong graduation ko. Walang mapagsidlan ang saya nya dahil napatapos nya ako ng kolehiyo kahit na kakarampot lang ang kinikita nya sa paglalaba at mga sideline nya araw-araw.

Hindi ko mapigilan ang pagluha dahil alam kong hindi ako naging mabuting anak sa kanya. Hindi ko man lang naibalik sa kanya ang lahat ng kabutihang ginawa nya para sa akin. Imbis na ginhawa ang maisukli ko...Ako pa ang naging dahilan ng pagkawala nya......

Hanggang nagyon hindi ko mapapatawad ang sarili ko at ang mga taong naging dahilan ng pagiging miserable ng buhay namin ng nanay ko.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Tatlong araw na mula ng makalaya ako ngunit hanggang ngayon mag-isa pa din ako. Natatakot ang mga kapitbahay ko na makipag-usap sa akin dahil siguro excon ako at murder ang naging kaso ko. 

Araw-araw akong lumalabas upang maghanap ng trabaho ngunit hanngang ngayon wala pa ding tumatanggap sa akin dahil hindi na mabubura sa isipan ng mga tao na ang mga nakulong na kagaya ko ay wala ng silbi sa lipunan.

Halos maubos na ang tinago kong pera na naipon ko pa noong ako'y hindi pa nasisintensyahan.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit kahit papano mayroon pa din palang nakakaintindi na mga tao sa sitwasyon ko. Natanggap ako sa isang trabaho bilang waitress sa isang resto na hindi naman ganun kakilala ngunit mukang maayos ang serbisyo. At bukas ay maari na kong magsimula dahil kulang na kulang sila ng tao. Kahit papano ay may pinag-aralan din naman ako.

+++++++++++++++

Maaga akong gumising at nakarating sa trabaho ko dahil tutulong pa ako sa pagpreprepare ng mga gamit sa kusina.

Hindi ko alam dahil bigla nalang akong napatingin sa bandang kanan kung saan nandun ang mataas at malaking building kung hindi ako nagkakamali ay condo. 

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko dahil nakakita ako ng isang masayang pamilya. Nagtatawanan at hawak-hawak sa magkabilang kamay ang kanilang anak na babae na may 5 taong gulang yata.

Looks like a perfect family without worries.

Nanginig ang buong katawan ko sa galit at parang nanigas ang kamao ko na para bang gusto kong magwala. Sasabog na ako sa galit at poot ngunit hindi maiwasang sumakit ng puso ko at kusa nalang pumatak ang mga luha ko.

Bakit ko pa sya nakita at higit sa lahat kasama pa nya ang demonyong babaeng sumira ng buhay ko.

************************

Hirap pala gumawa ng ganitong story halos maubos na ang naiisip ko..heheh

Puro monologue ni Zirshine///

Si Carlo Ramirez nga pala sa right.>>>>>>

Remember that dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon