Each time passed like the winds
Like pendulum swinging back and forths
But scars still remain
In my heart that full of pain......
++++++++++++++
Hindi ko akalain na kahit na madaming paghihirap ang dumating sa buhay ko, may mga bagay pa din na dapat kong ipagpasalamat. I thought my life will stop here.
Panibagong umaga ang dumating sa akin maaga akong nagising ngunit iba ang pakiramdam ko ngayon kumpara sa ilang taon na aking paggising sa loob ng seldang ito.
Tulad ng mga nakaraang mga umaga sinalubong ulit kami ng malakas na mura at pangungutya ng babaeng gwardya..Ngunit iba ngayon dahil ng tignan ko sya ng masama ay tumahimik na lamang sya at hindi na piniling makipagdiskusyon sa akin. Marahil kinain nya ang lahat ng sinabi nya sa akin kahapon.
Nagpaalam na ako sa aking mga naging kaibigan sa loob ng selda at mangiyak-ngiyak nilang sinabi na masaya silang makakalaya na ako.
Ngunit sa lahat ng kaibigan ko dito sa loob ng selda si Nanay Lita ang pinakanakasundo ko marahil siguro pareho kami ng sinapit sa kamay ng mga walang pusong nagpakulong sa amin. Kung tutuusin maswerte na ako kumpara sa kaniya dahil may 30 taon syang nakapiit dito ay di nya nakamit ang hustisyang hinahanap niya.
"Anak, masayang-masaya ako dahil makakapagsimula ka ulit ng iyong buhay. Kalimutan mo na sana ang lahat ng galit dyan sa puso mo sapagkat hindi mo makakamit ang tunay na kaligayahan hanggat hindi ka nakakapagpatawad. Binigyan ka ng Ama ng bagong pagkakataon para ipagpatuloy mo ang iyong buhay, wag mo sanang sayangin ang pagkakataong ito." sambit nya habang yakap-yakap ako ng mahigpit.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag aalaga nya sa akin. Sya ang nagpunan ng pangungulila ko sa aking ina.
"Anak, maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo?"
"Opo naman nay."
"Maaari mo bang ibigay ang sulat na ito sa aking mga anak kapag nakalaya ka na at makisabi narin na mahal na mahal ko sila." Malungkot nyang tugon. Alam ko kung gaano ang nadamang pangungulila nya sa kaniyang mga anak.
At matapos nun ay tuluyan na akong nagpaalam sa kanila.
*********************
Sinundo ako ni Atty. Lim na kanina pa pala naghihintay sa akin
"Ano ang plano mo ngayong nakalaya ka na?" salubong na tamong nya sa akin.
"Hindi ko pa alam kung paano ako magsisimula."matabang kong sabi.
Hinawakan nya bigla ang magkabila kong kamay. Sa sobrang gulat ko ay bigla kong inalis ang kamay ko sa kanya at nauna ng lumakad.
"Kung okay lang sayo mayroon akong kakilalang maari mong pasukang trabaho hindi man malaki ang sahod pero siguradong makatutulong sayo." pag-aalok nya sa akin.
" Masyadong marami na akong atraso sayo ayoko ng dagdagan."Nakatalikod kong sagot sa kanya.
Humarap ako at sinabing,"Im sorry pero hindi ko kailangan ng awa mo."
**********************
AN:
pasensya na boring talaga ng story ko mejo mahilig kasi ako sa mga melodrama eh,,
Atty. Nathan Lim on the right side..
<3Teya:)

BINABASA MO ANG
Remember that day
RomanceIm Zirshine Agustin, the women who only love,follow and trust other people... These are three things that I learned............... Don't love unconditionally........... Don't follow what they say................. and Don't trust anyone... I'll take...