"Napanaginipan mo na naman ba sya?"
Tatlong taon na ang nakakaraan nang huli kong makita si Lame. Pag katapos akong mabugbog at kunin nila saken si Lame di ko na sya nakita pa, hanggang sa nakilala ko si Clarisse. Niligawan ko sya dahil nakita ko sa kanya si Lame, pero hanggang ngayon hindi sya maalis sa isip ko.
Nakilala ko si Clarisse dahil sya ang nakakita sakin nung mga panahong nag hihingalo ako, gusto ko si Clarisse pero mahal ko si Lame, alam ko mali ito, pero awa nalang siguro ang nangingibabaw sa relasyon namin ngayon ni Clarisse, at alam kong alam nya ito. Alam kong nasasaktan ko na sya, pero sya na mismo ang nag sabing hinding hindi sya bibitaw sa akin.
"Oh ano? hayyysss, ayan na naman yang mukha mo, Zedd wag kana mag isip tungkol sakin, nga pala eto ang address puntahan mo ito."
"Kaninong address ito?"
"Basta puntahan mo, wag mo na akong kaawaan pa, alam ko naawa ka lang saken kaya ganyan ka, nakakasawa din minsan Zedd yung tipong andito ka nga iba na man nasa isip mo."
Di ko na sya pinatapos umalis na ako.
Address ito nina Lame??