Babalikan ko sana sya para tanungin kung bakit nya to binigay sakin, pero narinig ko ang pag iyak ni Clarisse, gusto ko syang yakapin pero naisip kong mas masasaktan ko lang sya kung ipaparamdam ko pang naawa ako sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan nya at binigay nya sakin ang address ni Lame pero isa lang ang nasa isip ko, dapat puntahan ko ito, ilang taon ko ring hindi nakita at nakasama si Lame, ito na ang hinihintay ko.
Nakarating na ako sa bahay nina Lame, hindi nag bago, ang pintura ng gate nila yun parin, yung mga puno sa loob ganun pa rin ka labong.
"Tao po!" Walang sumagot, wala sigurong tao. Biglang bumukas ang gate na ikinagulat ko.
"Bakit?" Isang matandang babae, siguro mga nasa mid 50's ang edad.
"Andito po ba si Lame?" Magalang kong tanong sa kanya.
"Bakit Hijo? Ka anu-ano mo si Lame?"
Isa lang nasa isip kong isagot, ang Boyfriend nya, pero Girlfriend ko si Clarisse. Ahh! bahala na si Batman!
"Boyfriend nya po. Andyan po ba sya?"
Nakita ko sa mukha nya ang laking gulat.
"Bakit po?"
Alam kong mali ang sinagot ko.
"Ikaw si Ash? pero--"
"Manang?! Sino po--"
Lumbas si Lame, parang gustong sumabog nang puso ko sa tuwa! Gusto kong gumulung gulung na parang baliw at tumawa nang walang bukas at umiyak, pero sa nakita ko sa reaksyon ni Lame ay parang gusto kong mag pakamatay sa harapan nya.
"Zedd?" Parang ayaw nyang makita ang pag mumukha ko.
"Bakit ka nandito?? Akala ko--"
"Na patay na ako?? Lame eto ako buhay na buhay oh!"
Hinawakan ko ang kamay nya at pinahawak sa pisngi ko, pero binawi nya lang ito.
"Umalis ka na Zedd, ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo."
Di ko namalayan may likidong umagos galing sa mga mata ko.
"Bakit Lame?? Di ka ba masayang nakita ako?"
"Baliw ako noon sayo Zedd, pero NOON YUN!! Ayoko nang makita ka pa! Umalis kana!!"
"Bakit Lame?? Anong nagawa ko para magkaganyan ka??? Sagutin mo ko!!"
"Wala!"
"Tama na yan Lame!! Umalis kana Ihjo."
Hindi ko namalayan lumuhod na pala sa harapan ko si Lame, gustong gusto ko syang yakapin, maramdaman ulit yung dating nararamdaman ko sa tuwing niyayakap ko sya.
May sasakyang dumating, iniluwa nito ang pamilyar na lalake, oo si Ash.
"Anong nangyari dito?! Lame??" Hinarap nya ako. "Anong ginawa mo kay Lame?!!"
Susuntok na dapat sya pero nailagan ko at binigyan ko sya ng suntok sa tiyan.
"Walangya ka Ash!!!"
Isang suntok sa mala demonyong pagmumukha ng g*g*ng ito.
Inawat kami nung napdaan na barangay tanod. Sa ganitong oras may barangay tanod na nag roronda?? Walangya! di ko mapapatay tong lalakeng to!.
"Tama Na!!" Naawat din nila kami.
"Sino sa inyo ang nag simula ng away na ito??"
"Ako." Siguro kung pupunta si Santa Claus ngayon sa harapan ko, maniniwala ako pero kung ng mukha nito ang ihaharap sakin at aako ng kasalanan, di ko alam. Naguguluhan ako!
"ANO??"
"Teka, ikaw yung napuruhan tapos ikaw yung may kasalanan?"
"Sabi nang ako eh! Umalis na kayo! Away pamilya ito."
"Sige po sir pero wag po tayong masyadong bayolente dahil may mga kapit bahay pa po tayo."
Umalis na ang mga Barangay Tanod, pero di parin nawawala ang galit ko sa taong ito.
"Umalis kana Zedd pakiusap."
Biglang nag salita si Lame.
Pero, Ipakiusap mo na sakin lahat Lame wag lang ng iwan ka.
"Ilang taon kitang hindi nakita Lame, Ganito lang??!! P*NY*T*NG Buhay to Lame!!!"
Pero ang mga huling salita nya ang pumatay ng tuluyan sa puso ko.
"Ayoko nang MAKITA ka pa."
Lumuhod ako sa harapan nya, gusto kong mag makaawa, luha na lang ang tanging lumabas mula sa katawan ko. Pumasok sya, iniwan na nya ako ng tuluyan.
Pero ang demonyo di parin umaalis sa harapan ko.
"Nice Show Man!! HAHAHA!! Ano ka ngayon? Ni hindi mo nga ako nasaktan, ang hina mo parin. O hayan, Ayaw kana makita ng Prinsesa mo."
Tawa pa rin sya ng tawa, wala na akong lakas na suntukin pa sya, parang gustong lumuwa ng puso ko sa sobrang sakit. Umalis ako sa harapan ng bahay nina Lame na wala sa wisyo, umuwi ako sa condo ko na parang patay. Humiga na lang ako sa kama ko pagka dating ko sa unit ko, gusto kung matulog na hindi na gumigising pa, kung wala si Lame, ayoko nang gumising pa.