Someone's POV
"Ang Tagal ha?? Bat ngayon lang kayo?"
"Pinatulog muna namin ang target Ma'am."
"Did you make sure na hindi nyo napatay?? Kundi kayo papatayin ko!"
"Hindi po Ma'am sigurado po yun."
"Asan sya ngayon?"
"Nasa Salas Ma'am."
"Mabuti, siguraduhin mong malinis ang gawa mo kundi malalagot ka, sige na umalis na kayo, bago kayo maabutan."
"Sige po Ma'am."
"Tara na pare."
Zed's POV
Syete, sino ang mga yun? Buti hindi ako napuruhan, walangya. Napatulog lang nila ako, ang mabuti andito parin ako sa condo ko. Si Clarisse!
"Clarisse??"
"ZED!"
Halata ang takot sa mukha ni Clarisse. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit.
Ilang hikbi galing sa kanya ang narinig ko.
"Tahan na Clarisse, pasensya ka na at hindi ko nadepensahan ang sarili ko at muntik ka nang mapahamak, sorry Clarisse."
"Wag mo na ako alalahanin Zed." Humarap sya saakin at para bang chini check up nya ako.
"Hindi ako nasaktan Clarisse okay lang ako"
"Dios ko!! Mabuti na lang at walang nangyaring masama sayo. Kung mayroon man ay siguradong ikamamatay ko!"
"Ayan ka na naman. Wag ka na nga O.A."
"Hindi ito pagiging O.A! Nag aalala lang ako sayo, narinig ko kasi may putok galing sa labas."
"Ah yun ba? Oo galing yun sa pumunta dito, hindi ko alam kung ano ang kaylangan nila sakin, pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit pampatulog ang tumama sa akin."
"Ano ka ba wag mo na alalahanin yun. Ang mahalaga ligtas ka."
"At ikaw din."
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, mahal ko pa si Lame, pero palaging nasa tabi ko si Clarisse. Kinukulit ako ng utak ko na si Clarisse ang dapat, at kalimutan si Lame, pero yung puso ko ang nag sasabing wag ako sumuko kay Lame.
