Kabanata 1

1.6K 46 6
                                    


Sabi nila lahat daw ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan, na lahat ng taong nakilala mo at makikilala mo ay may ganap, maliit man o malaki, sa dahilan na iyon. May mga pangyayari na malinaw ang rason, ngunit may ilan din naman na malabo at kahit na gano mo pilit intindihin tila di parin kayang unawain.


-Rian-


"Rian, sure ka? Ayaw mo talaga sumabay samin?" Naglalakad na kami palabas mula sa isang cafe kung saan kami nag-finalize ng revisions para sa thesis namin. Sa dami ng revisions, kulang na lang sabihin ni prof na palitan na lang lahat.


Ngumiti ako sa kanila at tumango. "May dadaanan pa ko Joan eh. Ingat kayo ni Aia." Sabi ko na nakapagpangiti sa kanilang dalawa.


"Dadaanan? Teka girl, may hindi ba kame alam?" Panunukso ni Aia nang tuluyan na kaming makalabas.


"Tigilan nyo ko pwede? Asan na ang kukuha sayo? Ang tagal naman." Naiiling na sabi ko. Hindi paren napapawi ang nakakaasar na ngiti nila.


Bihira naman talaga akong sumabay sa kanila pero hanggang ngayon big deal paren sa kanila. Hay.


"Mainipin lang? Wala pang 10 minutes nung nagtext ako kay Kuya Caloy." Si Kuya Caloy ang driver ni Aia simula elementary, kaya hindi nyo sya masisisi kung hindi sya marunong magbyahe.


"Change topic kasi girl." Ani Joan na nakapagpatawa sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako at napaisip na wala na, hindi nila ako titigilan. Pero hindi ko din naman mapigilan ang mapangiti sa mga pinagsasasabi nila.


Pagkalipas ang ilang minuto, may tumigil na pamilyar na kotse sa harapan namin. Sa wakas, sigaw ko sa utak ko.


"Hi Kuya!" bati naming tatlo nang ibinaba ni Kuya ang bintana. Ngumiti si Kuya bilang pagbati.


"We'll go ahead. Ingat girl. See you tom." Pagpapaalam ni Aia bago sila tuluyang sumakay sa sasakyan nya. May pagkaway pa sila ni Joan kaya naman kumaway din ako.


Nang makaalis sila, saka ako nagpasyang maglakad. Dun lang nag-sink in saken na pagod na ko, ni hindi pa ko nakakabawi ng tulog dahil sa sunod-sunod na puyat sa paggawa ng thesis. Hindi na ako makapaghintay gumraduate para lang makatulog nang walang iniisip na aralin, proyekto at thesis.


Dahil stressed ako, nagpasya akong dadaan muna sa Jollibee para sa paborito kong chocolate sundae. Nababawasan kasi nito ang pagod ko. Weird ba? Ito kasi ang comfort food ko.


Habang naglalakad, naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya naman agad ko itong inilabas mula sa bag ko para tingnan. Nadismaya ako nung mabasa ko ang mensaheng katatanggap ko lang mula sa apat na pare-parehong numero. Pinigilan kong itapon ang phone ko dahil dito.


"Bakit kasi nawala sa isip kong mag-extend ng unli? Hay naku." Sabi ko sa aking sarili habang tinititigan ang cellphone ko. Nagremind na to kanina kaso dahil busy ako, hindi ko napansin.


May narinig akong pagbusina sa malapit kaya agad akong nag-angat ng tingin sa paligid at nakita kong andito na pala ako sa may pedestrian lane. Nasa gilid pa naman ako, ilang hakbang mula sa kalsada. Yung narinig kong pagbusina ay dahil dun sa pangpasaherong jeep na nakatigil para magsakay ng mga pasahero sa mismong padestrian lane kahit naka-go ang ilaw. Nagalit tuloy halos lahat nang sasakyan na nasa likod nya.


Maya-maya pa, naramdaman kong may tumayo sa tabi ko. Hindi na ako nag-abalang tingnan ito kasi naka-focus lang ako dun sa street lights at hinihintay na mag go signal ito para sa pagtawid pero alam kong lalaki sya dahil nakikita ko parin sya kahit nakatingin ako sa harapan.


"Hindi ko na kaya Pare." Narinig ko mula sa kanya. Nababakas sa tono nya ang lungkot. Gusto ko syang tingnan pero ayoko isipin nyang chismosa ako kaya pinipigilan ko syang lingunin.


Iniisip ko kung oorder ba ko ng fries o sundae lang nang marinig ko ulit syang magsalita. "Ang sakit Pare. Nahihirapan na ko." Aniya na nakapagpakunot sa noo ko. Ano bang problema nito? Naisip ko. Pasimple akong lumingon sa kanya na kunyare tinitingnan ko ang kalsada kaso hindi ko makita ang mukha nya dahil nakaharang ang kamay nya na nakahawak sa cellphone nya. Kapansin-pansin din ang tikas at porma nito. Mukhang okay naman sya, siguro.


"Maghintay? Pucha, Hindi ko na kayang maghintay Pare." Nababakas sa kilos nya na hindi sya mapalagay. Nang mag-kulay berde ang ilaw, agad syang humakbang para tumawid na hindi man lang tumitingin sa kaliwa nya. Bigla akong kinabahan dahil may mabilis na motor na tila walang balak huminto ang paparating sa direksyon nya at wala man lang syang idea dahil busy sya sa pakikipag-usap sa kung sino man sa telepono.


Hindi ko alam kung anong nakain ko ngayon dahil sa sobrang pagka-pakialamera ko. Una, sa pakikinig sa usapan nila ng kaibigan nya sa telepono. Pangalawa, sa pagtulong sa kanya. Nang mga sandali kasing yon, Wala akong ibang naisip gawin kundi ang hilahan sya pabalik dito sa kinakatayuan namin kanina. Mabute na lang at mabilis ko syang nahila dahil kung nalate ako ng isang segundo, malamang dalawa na silang nakabulagta sa karsada ngayon.


"Pwede ba Kuya, kapag tatawid ka ng kalsada, titingin ka muna sa magkabilang side?" Hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita dahil sa pagkabigla. Hindi ba sya tinuruan tumawid sa kalsada? Nakakaloka ang Kuya. Hinihintay ko syang magreact pero mukhang wala syang balak kasi hanggang ngayon, nakatingin paren sya dun sa palayong motor na muntikan nang makabangga sa kanya.


Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi paren sya kumikibo o lumingon man saken. Ilang segundo na din lang at magpapalit na ang ilaw ng streetlights.


Okay lang ba sya? "Kuya, ayos ka l--"


"Gago yun ah." Naputol nya ang pagsasalita ko. "Miss, salamat." Lumingon sya saken bago patakbong tumawid sa kalsada.


Hindi ko na nagawang tumawid dahil naabutan na ko ng pag-pula ng streetlight. Pero para akong baliw na nakangiti dito mag-isa dahil may napansin ako.



Ang gwapo ni Kuya.



*

Tadhana #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon