-Rian-
"Okay ka lang ba?" Tanong nya dahilan para tingnan ko sya. Ako pa talaga ang tinanong nya. Tss.
Tumango ako bilang sagot. Nakita ko naman ang agad na pagngiti nya dahil dun. "Hindi mo ba talaga sya susundan ngayon?"
Umiling sya at nagbuntong-hininga. "Hindi ako kakausapin ng ugok. Gusto nyang mapag-isa."
Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil dun. "Okay lang kaya sya?"
"Oo naman." Sagot nya. Hinawakan nya pa ang kamay ko habang sinasabi yun.
"Pano mo alam? Mukhang galit sya nung umalis sya kanina." Nag-aalala ako.
"Wag kang mag-alala, hindi mo kasalanan Rian." Nakangiti sya habang sinasabi yun pero hindi paren gumagaan ang loob ko.
"Honestly, hindi ito ang unang pagkakataong nangyari to." Kunot-noo ko syang tiningnan pagkarinig ko nun. "Nakakatawa pero madalas pareho kaming nagkakagusto sa iisang babae." Agad kong nakita ang lungkot sa mga mata nya.
"Grade 6 kami nun, nagkasuntukan pa kami at na-guidance nung mga panahon na yun. Akala ko nagkataon lang." Pagsisimula nya. Nakikita kong natatawa sya habang inaalala yun.
"Nasundan yun nung 3rd year high school kami. Akala ko nga noon, hindi na kami magkaka-ayos." Naiiling na sabi nya habang nilalaro ang kamay ko.
"As in FO?" Singit ko na agad namang nagpakunot ng noo nya. "Friendship Over po." Nakangiting sagot ko.
"Sila Dad ang gumawa ng paraan para magka-usap kami." Natatawang sabi tuloy nya.
"Ang sabihin mo, naghihintayan lang kayo kung sinong unang magbaba ng pride." Natawa ulit sya pagkarinig nun. "Ganyan kasi kayong mga lalaki eh." Agad ko namang naramdaman ang paggulo nya ng buhok ko.
"Bakit ganyan ka? Sinong nanakit sayo? Upakan ko." Natawa naman ako sa sinabi nyang yun.
"Wala." Nakangusong sagot ko.
"Hmm.. Remember Anne?" Tumango ako bilang sagot. Wag mong sabihing...
"Matagal ko nang crush si Anne." Nanlaki ang mga mata ko pagkasabi nya nun.
"Pero mas mabilis talagang dumiskarte si Lucas dahil mas malakas ang loob nya kesa sakin." Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
"Sira din kayo eh noh? Bakit ba hindi kayo nag-uusap dalawa? Pwede nyo namang sabihin na 'Dre, crush ko si Anne, wag mong popormahan' ganurn diba?" Nagulat na lang ako nang bigla syang tumawa pagkatapos kong sabihin yun.