Kabanata 4

457 24 1
                                    


-Marcus-


"Ano?" Halos matawa ako sa naging reaksyon ng ugok, may pagtayo pa.


"Sabi ko, nakita ko na sya." Naiiling na ulit ko.


"Sinong nakita mo na? May hinahanap ka Marc?" Narinig kong tanong ng kaibigan naming si Chloe. Lilingon pa sana ako para makita sya pero hindi na kailangan kasi umupo sya sa upuan katabi ng upuan ko.


"Naks! Si Tadhana mo Marc nakita mo na?" Natatawang sabi ng isa pa naming kaibigang si Nics. Tumayo sya sa harap namin, katabi ni Lucas.


"Tadhana? San nanggaling yun Nics?" Naiiling na sabi ko.


"Yung chic na nagligtas kay Marc." Sagot ng ugok kaya naman agad akong tinapunan ng tingin ng dalawa.


"Nagligtas? Bakit?" Kunot-noong tanong ni Chloe, kasabay ng pagtango ni Nics. Halatang curious ang dalawa.


"Hindi pa ba kayo uuwi? San na yung service nyo?" Sabi ko para lang maiba ang topic dahil kapag hindi ko ginawa yun, hindi nila ako titigilan.


"Kakatext lang namin mga boy. Atat much?" Natatawang sabi ni Nics. Wala na kasi kaming klase ngayon. May iniwan lang na seatwork si Prof at pinayagan nya kaming umuwi after matapos ang pinapagawa nya.


"Ikaw naman Luc, para kanino yung ni-reserve mong best seller cake ni Mom ha?" Tumayo si Chloe para lumapit kay Lucas.


"Para kay Pag-ibig ko. Masama?" Nagkatinginan kaming tatlo nila Chloe at Nics pagkarinig nun.


Hindi ko tuloy napigilang tumawa. "Kelan ka pa naging corny Pre?" Lumapit din ako kay Lucas at inakbayan ito.


"Anong problema nyo sa pagiging corny ko? Porket wala kayong lovelife tatlo? Tsk! Wag kayong mandamay!" Aniya na nakapagpakunot ng noo ko at nakapagpataas ng kilay ng dalawa.


"Aba!" Narinig kong pabulong na sabi ni Chloe. Gusto kong matawa sa naging reaksyon nila. Sabagay, hindi ko sila masisisi. Ngayon lang ulit naging ganito ang ugok na to.


"Marc, pwede bang alisin mo sa harapan namin ang mokong na yan? Kung hindi, makakatikim talaga yan sakin." Nababakas sa tono ni Nics na seryoso sya kaya naman agad kong hinila palabas ng classroom si Lucas.


"Anong problema ng dalawang yun boy? Ke gagandang pikon." Natatawang ani ni Lucas matapos namin makalayo.


"Wag mong uulitin yun nang wala ako boy, kung ayaw mong makatikim ng black eye." Sabi ko na nakapagpatawa samin pareho.


Naglalakad na kami ngayon palabas ng campus nang maramdaman kong may tumayo sa pagitan namin. Agad ko syang inakbayan nang magtama ang mga mata namin.

Tadhana #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon