Wakas

615 31 5
                                    


May mga bagay talaga na kung para satin, may humadlang man, ay mapapasatin, hindi man agad, siguro, banda jan.


*


-Marcus-


Napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan nya sa caller id ko.


(Hello Pare, nasan ka?) bungad nito pagkasagot na pagkasagot ko pa lang ng tawag nya.


"Pare, Hindi mo man lang hinintay na mag-hello ako." Natatawang sabi ko.


(Naka-sampung missed calls na ko sayo gago. Bat di mo sinasagot?) Mainit parin ang ulo ng ugok. Psh.


"Hindi ko naririnig. Naka-silent pala." Narinig ko syang nagmura sa kabilang linya. "Problema mo?" Naiiling na tanong ko.


(San ka? Bumalik ako sa Jollibee pero wala na kayo.) Mukhang hinihingal sya. Bumalik pa sya dun? Psh.


"Malamang, umuwi na kami." Hindi ko mapigilang hindi sya asarin.


(Nak ng! Wag mong sabihing nahuli na ko?) Sabi nya na nakapagpakunot muli ng noo ko.


"Huli saan?"


Hindi sya agad nagsalita. (Magkasama pa kayo ni Rian?) Tanong nya.


"Bakit boy?"


(Sabihin mong mali ako sa iniisip ko.)


Anong pinagsasasabi ng ugok na to?


"Hindi ako manghuhula boy."


(Uupakan talaga kita kapag nalaman kong tama ako.)


"Woah. Kaya nga tinawagan ko sila Chloe at Nics para may maka-usap ka, Bakit mukhang natuluyan ka nang masiraan ng ulo boy?" Natatawang sabi ko.


(Ulol! Hindi nakakatawa.) Hindi na sya nagsalita pagkatapos nun. Pikon talaga.


"May kausap pa ba ko?" Natatawang tanong ko nang may ilang minuto syang hindi nagsalita.


Isang minuto ulit ang nagdaan bago sya nagsalita.


(I'm sorry Pare.)


Nagulat ako sa sinabi ng ugok.


(Sampung taon mo ko na akong pinagbibigyan.) Natatawang sabi nya. Gusto ko tuloy tawagan sila Chloe para itanong kung anong nangyari kanina.

Tadhana #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon