-Rian-"Girl!" Nagulat ako sa pagtawag na yon. Lilingon pa sana ako pero hindi na kailangan kasi nasa tabi ko na silang dalawa.
"Akala ko umuwi na kayo." Tanong ko sa kanila na sinagot lang nila ng pagngiti.
Agad namang yumakap sa braso ko si Joan. "Sama kami sayo."
"Bakit? Asan si Kuya Caloy?" Kunot-noo kong tanong. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Aia sa kabilang braso ko.
"Nasiraan kasi kami. Sabi ni Kuya Caloy, matatagalan pa daw yun kaya..." Nag-pretty eyes pa ito kasabay ng malapad na ngiti.
"Kaya sasamahan ka muna namin ngayon. San ka ba pupunta Rian?" Bumitiw na sya sa pagyakap pero hawak-hawak parin nya ako.
Sasagot pa sana ako pero nauhana akong magsalita ni Aia. "Curious talaga kami kung san ka pumupunta every after school. Hindi ka kasi umuuwi agad sa inyo."
Ayoko kasing mag-isa sa bahay. Nalulungkot ako. Sagot ko sa utak ko.
Napangiti na lang ako nung mapansin kong nakatingin lang sila sakin, naghihintay sa isasagot ko. Nakanguso pa ang dalawa. Tss!
"Sure ba kayo? Mejo mainit maglakad papunta dun." Hamon ko sa kanila. Ayaw kasi nilang pinagpapawisan sila.
"May umbrella naman ah." Sagot ni Joan. Kinuha pa nya sa bag nya ang payong nya.
"May pamaypay din akong dala. Game!" Aia said. Ang cute nila.
"Tara!" Sabi ko at agad kaming nagsimulang maglakad.
Halos 20 minutes din kaming naglakad kasi mabagal sila, swear.
"Grabe Rian, nilalakad mo to everyday?" Hinihingal na sabi ni Joan.
"Hindi naman araw-araw." Dipensa ko. "Thrice a week?" Tuloy ko na nakapagpatawa sa kanila.
Agad kaming pumasok sa fast food chain na paborito kong tambayan dahil init na init na ang dalawa. Pumili kami ng upuan na comportable, bute na lang wala pa masyadong tao ngayon.
"So, dito ka tumatambay?" wika ni Aia, matapos namin umupo. May pagtinign pa ito sa paligid.
"Yeah." Nakangiting sagot ko. "Chocolate Sundae gusto nyo?" Alok ko sa kanila. Sa tagal na naming magkakakilala, alam na alam kong wala silang hilig sa fastfood.
Natawa naman ako sa agad na pagtango nila bilang sagot.
"May gusto pa kayong i-add?" Tanong ko pero agad naman silang umiling. Ang kulet!
Nagpaalam ako sa kanila para umorder. Dumiretso ako sa counter dahil wala naman gaanong tao.
"Jolly afternoon Ms Rian." Bati ni Kuya. Dahil madalas ako dito, hindi ko masisisi na kilala na nya ko. Tsaka, sya si Kuyang magaan ang loob ko. "Hmm.. mukhang hindi mo na gustong mag-isa ah." Dagdag nya.
"What do you mean Kuya?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.
"May kasama ka na ngayon kumain dito." Aniya, habang tinitingnan ang mga kaibigan kong nagkukwentuhan habang hinihintay ako.
"Ah, akala ko kung ano na." Natatawang sabi ko. "Tatlong chocolate sundae po."
Inulit nya ang order ko. "May kasama ka din nung isang araw ah." Napatingin ako sa kanya pagkarinig ko nun. "Boyfriend mo ba yun? Infairness, magaling ka pumili."