Lumipas ang maraming taon.
Yung pagiging FRIENDS namin ni Frederick, naiba na.
Naging mag- BEST FRIENDS na kami.
Hanggang ngayon, 4th year High School na kami, kami pa din yung laging magkasama.
Lagi niya akong pinagtatanggol.
Lagi ko din siyang pinagtatanggol.
Ganun naman yung mga magkababata diba? :D
Syempre may tambayan din kami nuh. May tabing ilog kasi sa village namin eh.
Dun kami nagkukwentuhan, nagtatawanan sa mga nangyayari sa buhay-buhay.
Ewan ko ba,
Pero habang tumatagal, nagiiba yung tingin ko sa kanya..
Ewan ko ba...
Siguro dahil sa sobrang close ko sa kanya, naiilang na ko..
Yung masakit? Yung pilit mong tinatago yung feelings mo sa bestfriend mo..
Laging kaya akong nasa tabi niya...
Yung kwentuhan namin sa tabing ilog hanggang mag-sunrise, yung mga tawanan namin, pati na rin yung mga oras na nag-aaway kami at nagtatampuhan.
Pero pinakamasakit sa lahat yung...
.
.
.
.
.
.
Nahulog ako sa kanya kahit na alam kong hindi pwede..
Hindi pwede dahil magkaibigan kami.
At hanggang dun lang yun.
***
Ayyy nako.. Di ako makatulog ng maayos kagabi.
Sa kakaisip sa kanya..
Di ko kasi alam kung tama yung nararamdaman ko eh..
Di ko alam kung gusto ko talaga siya or baka naman namimiss ko lang siya?
Everytime na nandiyan siya, parang wala lang. Yung parang wala akong paki sa kanya :D
Pero pag hindi ko naman siya kasama, parang may kulang.
Classmates pa naman kami.. paano ko pa iiwasan yung nararamdaman ko?
Aaaaaaaaaayyyyyyyyyy, ewan.
Anyways, alam niyo ba yung Prom Night?
For sure alam niyo yun.
Dahil nga 4th year High School na kami, gagawin daw namin yun.
Tapos alam niyo ung feeling na..
Excited ka sa isang bagay na di mo pa na-experience??
Kung alam mo, nako, magkakasundo tayo. :D Yiieeee.
So yun nga. Kasali kami dun ni Frederick.
But, sad to say, 'di siya yung partner ko. >___<
Hahaha. Ok lang. Baka mas mahimatay pa ko pag siya yung nakasayaw ko?? Jokeee.
Actually, may partners na kami for the prom night. Unfortunately, bunutan yun kaya wala kang takas. Yung pangalan pala ng partner ko for Prom Dance is
.
.
.
Joshua Rei Delos Santos.
***
"Hui, dali na kasi! Minsan lang ako magpapaturo eh.."
Niyuyugyog ko niyan si Frederick. Di kasi mapilit eh. Magpapaturo lang naman ako :>
"Eiiii ayoko. Sa iba na lang. Magsasayang pa ko ng oras."
"Damot mo talaga. Ang sabihin mo, Di ka lang marunong sumayaw! :P"
"Sus, baka nga hahawakan ko pa lang kamay mo, kiligin ka na agad diyan." sabay ngisi.
Waaahh! Ang kapal, wew. Kahit kelan talaga, di pa rin nagbabago tong loko na to. -.-
"Excuse me, Mr. Parker. Di ako kikiligin sayo nuh! Ang kapal mo naman masyado."
Aalis na sana ko eh. Kaya lang hinila ba naman ako?
"Teka.. San ka naman pupunta?"
"Dun sa partner ko sa Prom Dance."
"Sino?"
"Si Joshua Delos Santos."
"Bakit?"
"Dun na lang ako magpapaturo sumayaw, ayaw mo naman kasi eh. Sige na, maistorbo pa kita."
"Ahhh..."
Yiieeee. nagtatampo ata to eh. Turuan mo na kasi ako :P
"Okay. Geh na alis ka na."
AYYYY?! Paalisin ba ko?
"Magpakasaya ka habang ako, nagseselos."
HWAAAAAAAA?! Ano daw sabi niya? Di ko narinig yun.. Binulong naman kasi eh?
"A--anong sabi mo?? Hoooi!!---"
Nu kaya yun. Bigla na lang siya umalis. Problema nun?
Tama kaya narinig ko??
"Magpakasaya ka habang ako, nagseselos."
EMERGERD! What's the meaning of this?
***
Like? Vote? COMMENT? Sure. :)
#EnchancerForever
BINABASA MO ANG
~I STILL LOVE HIM~
RomanceMasarap mahalin yung taong kilala mo na sa loob nang maraming taon. Yung tipong magkababata kayo. Nakakakilig diba? Pero kamusta naman yung after all these years e iwanan ka na lang niya basta?