"Chapter fifty nine"

52 2 0
                                    

<Chloe's POV>

Nagising ako sa sinag ng araw...

kusot kusot ng mata

Inat ....inat

"Hayy tanghali na pala" sabi ko

"Good morning"

"ayy kalabaw na tumalon" napasigaw ako sa sobrang gulat

"May kalabaw bang tumatalon? hahaha" tanong niya habang tumatawa

"Anong ginagawa mo dito?' Dito ka ba natulog kagabi?" tanong ko habang papuntang banyo para maghilamos at magtooth brush...

"gusto ko sana kaso baka patayin mo ako pag dito ako natulog haha" sabi niya kaya inirapan ko siya

"ee bakit ka nanaman nandito?!" tanong ko na naka cross arms sabay taas ng kilay

"Tss Miss S ka talaga" sabi niya sabay gulo ng buhok ko

"Che kapre ka naman" sabi ko sabay palis ng kamay niya

"Haha ayos lang kung kapre ako ikaw naman babaeng maldita na magugustuhan ng kapre!" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko

"Che!!" sabi ko sabay palis ulit ng kamay niya

"Haha ganda ng kwarto mo Miss S" pagiiba niya ng  topic

"Tch! naman tingin mo sakin walang taste?" tanong ko "nga pala sino nagpapasok sayo dito?" dagdag kong tanong

"Si Manang Dolor bakit akala mo sa veranda ulit ako dumaan  tss wala kang tiwala sa kaps mo ee" sabi niya pa

Tang*na kinilig ako din sa kaps mo hihi nako lumalantod nanaman ako ... parang bumalik ulit kami sa dati yung parang walang nangyaring awkwardness samin

"Bumaba na tayo nakaluto na yata si Manang ee" sabi niya

"Ikaw! wala ka bang bahay at dito ka pa nakain?!" tanong ko pero pabiro naman

MAHAL KITA!!!! ramdam mo ba?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon